Paano Tatanggalin ang Gusot sa Damit?
…nang hindi gagamit ng plantsa
1-Para matanggal ang puwing sa mata: pumikit at umubo nang ilang beses.
2-Agad sabunin ang kagat ng lamok para hindi ito mangati.
3-Kung nag-amoy bawang ang iyong hininga, kumain ng mani para mapalitan ito ng kaayaayang amoy.
4-Ibuka mo ang iyong bibig kapag may ipinapatak kang gamot sa iyong mata. Titigil ang pagkisap ng mata kapag nakabuka ang bibig.
5-Maglagay ng chalk sa jewelry box para manatiling makintab o makinang ang iyong alahas.
6-Natatandaan ng mga tao ang pinakauna at pinakahuling pangyayari. Kaya hangga’t maaari, pilitin mong ikaw ang mauna sa job interview.
7-Paano magtanggal ng gusot sa cotton T-shirt nang hindi gagamit ng plantsa? Ispreyan lang ng water-vinegar mixture ang bahaging may gusot. Tingnan ang larawan. Tuyuin. Water-Vinegar Mixture: Paghaluin ang isang tasang distilled vinegar at 3 tasang tubig. Ilagay sa spray bottle.
- Latest