^

Para Malibang

YVAN NAVY burgers sulit na sulit sa presyo!

Pang-masa

Sino ba ang makapagsasabing sa hala­gang P100 pesos ay mabubusog ka pa rin, ‘yung busog na hindi pinilit ah. Ewan ko na lang kung hindi ka pa maumay sa irerebyu natin nga­yong araw. Narinig n’yo na ba ang YVAN NAVY Burger & Kebab Haus?

Puwes kung hindi pa, patok na patok ‘to sa mga estud­yante sa U-Belt sa Maynila. Nagkalat kasi rito ang kanilang branches  sa Maynila rin mismo ­unang nagbukas. Specialty ng nasabing restaurant ang burgers. Ang ating rerebyuhin ay ang kanilang Half pound burger! Hindi regular at hindi rin quarter pounder kundi HALF POUND ang pinag-uusapan natin dito. Nagkakahalaga lang ng P100 ang isang order ng pagkalaki-laking burger. Gawa raw sa 100% beef ang kanilang burger patties (pero ang hinala namin ay may extenders sila dahil sa lasa).

Juicy at mainit-init pa nang i-serve sa amin ang aming buger. Grilled nga pala ang burgers nila at hindi pinirito lang. Healty ‘di ba?

Hindi ka naman madi-disappoint dahil hindi ito basta-bastang burger lang, sulit sa presyong isandaang piso, huh! May kamatis, white onions, at lettuce na nakaloob sa burger. Hindi rin regular bun lang ang ginamit dahil topped with black sesame seeds ang kanilang tinapay. Masarap din ang kanilang special sauce at kung trip n’yong lagyan ng kebab sauce ay puwedeng-puwede rin. Kahit #saucepamore ang drama mo ay hindi ka nila pipigilan.

Kung lasa naman ang pag-uusapan, hindi ka man mapa-wow ay siguradong babalik-balikan mo ito dahil sa murang halaga ay mai-enjoy mo na ang grilled burgers. Talagang presyo ang panlaban nila sa iba, sumusunod ang lasa at si­yempre grilled nga at hindi fried ang kanilang burger patties.

Pasok na pasok sa budget at panlasa ang Half Pound Burger ng YVAN NAVY kaya kung may mga kaibigan, kaopisina, at kapamilya kayong mahilig magpalibre. Dalhin n’yo sila sa nasabing restaurant at siguradong sila ang susuko sa kabusugan. Hindi aaray ang bulsa n’yo sa murang-murang grilled burgers dito.

Ang YVAN NAVY ay matatagpuan sa Honradez St. (bet. San Diego st. at Quintos St.), Recto, Visayas Ave., Pedro Gil, P. Campa, Mendiola, Intramuros, Retiro, Sct. Tobias, Sta. Mesa,  at Taft. Soon to open naman ang kanilang Maginhawa branch. Burp!

Para sa mga katanungan at suhestiyon maaa­ring mag-email sa [email protected].

vuukle comment

ACIRC

ANG

BURGER

HALF POUND BURGER

HINDI

HONRADEZ ST.

KANILANG

KEBAB HAUS

MAYNILA

PEDRO GIL

QUINTOS ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with