^

Para Malibang

Taong grasa may dalang grasya

Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang naghihintay ng masasakyang van ang isang babae sumilong muna ito sa waiting shade dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Sa katanghaling tapat, may babaeng pulubi naman ang natutulog sa upuan ng waiting shade. Naghihintay pa ring nakatayo ang isang babae na nag-aabang ng sasakyan. Malayo pa lang nakita na ng ale ang papara­ting na pulubing lalaki na nagkakalkal ng basura sa gilid ng poste. Pero sa kanang kamay ng pulubing lalaki ay meron siyang bitbit na isang plastic na sinigwelas. Paglapit ng lalaking pulubi sa waiting shade agad tumabi ang aleng nakatayo para iwasan ang akala niyang masamang tao na tipong holdaper ang itsura, sabay takip ng panyo ng kanyang mukha ang babae.

Paghinto ng lalaking pulubi, ginising nito ang babaeng nakahiga sa waiting shade para hatian ng bitbit niyang sinigwelas. Nagalit ang babaeng pulubi dahil ginising siya ng lalaking hindi rin niya kilala. Pero iniwan ng lalaki ang bitbit niyang sinigwelas sa pulubing matanda. Sabay lumakad papalayo ang pobreng pulubi na napagkamalang holdaper.

Na-guilty naman ang nakatayong babae sa maling iniisip niya sa lalaki, samantalang nilantakan naman sa gutom ng pulubing babae ang prutas na bigay sa kanya ng grasang lalaki.

ACIRC

ANG

BABAE

HABANG

MALAYO

NAGALIT

NAGHIHINTAY

PAGHINTO

PAGLAPIT

PERO

SABAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with