^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (9)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKABIBINGI ang sigaw ni Max, yumanig sa buong silid-tulugan nilang mag-asawa. “AAAAHHH!”

Nagising ang misis ni Max. “Papu, b-bakit...?”

“E-Ester, natupad ang sumpa ng babae sa batis!  Hu-hu-hu-huuu.”

Naibaba na ni Max ang t-shirt na pantulog, hindi nakikita ni Ester ang sandaang halimaw.

“E-Ester, n-naengkanto kaming magkakabarkada noong mamaril kami sa gubat,” pagsisinungaling ni Max; hindi sinabi ang katotohanan.

“A-anong klaseng sumpa, Papu?” Namumutla ang misis. Kita kasi ang matinding takot sa mukha ni Max.

Itinuro ni Max ang tapat ng tiyan na natatakpan na ng t-shirt. “Tinubuan “Anooo?”

“Pakitawagan ang barkada ko!  Kailangan ko  ‘ka mo silang makausap!”

“T-titingnan ko muna a-ang sinasabi mong tumubo diyan s-sa katawan mo, Max...please.”

“Hindi puwede, Ester, mamamatay ka sa takot! Kakampi kita, ayokong mamatay ka!”

“Hu-hu-hu-hu... oo, tatawagan ko na ang barkada mo. Hold on, Papu.” Nagpunta na sa telepono sa labas ng silid si Ester.

SA TAGONG batis sa gubat, si Shirya ay tahimik na nakaupo sa batuhan. Madaling araw na. Ang bilog na buwan ay nananatiling nakikita.

Nadarama ng diwata ang katuparan ng kanyang sumpa. “Nagsisi­mula nang magdusa ang mga walanghiya...

“Malapit na silang magsisi kumbakit sila isinilang sa mundo...”

Tinanaw ni Shirya ang kuwebang nasa likuran ng waterfalls. Naroon si Eugenio, nakalibing na ang lalaking tanging minamahal.

“Naipaghihiganti na kita, Eugenio. Manahimik ka na sa kabilang buhay, mahal. Rest in peace now.”

“AAAHH!” sigaw ni Max. Parang hinihiwa ng matalas na blade ang kanyang tiyan. Nginangatngat siya ng sandaang halimaw. (Itutuloy)

vuukle comment

ANOOO

E-ESTER

EUGENIO

HU

ITINURO

ITUTULOY

MAX

PAPU

SHIRYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with