_pang-masa
^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (65)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG YATE na nakapundo sa marina ay surpresa ni Oscar Romano sa bagumbagong bride na si Chona.

Tuwang-tuwa si Chona, hindi makapaniwala. “Atin na nga ba ang yateng ito, Oscar? Karanggo na tayo ng mga filthy rich?”

Natawa si Oscar. “We are rich but not filthy, Chona. Mula sa pawis at marangal na negosyo ang ipinambili ko ng yateng ito”.

Bago pa naibaba ang bride sa kama sa loob ng yate, naghalikan na nang maapoy ang brandnew couple.

Kakakasal lang nina Oscar at Chona tatlong oras pa lang ang nakalilipas. Sa yate sila tumuloy matapos ang marangyang reception sa isang 5-star hotel.

Virgin pa si Chona, wala pang karanasan sa pagtatalik.

Mula sa middle-class na pamilya si Chona, bunso at nag-iisang babae sa anim na magkakapatid.

Pampered siya, laki sa layaw, at maraming ayaw.

“Oscar, ayaw ko ng baha, ayaw ko ng maputik, ayaw ko ng...masakit...”

“Alam ko na ‘yan, Chona my love. Na-memo­rize ko na sa higit na 3 years nating mag-on.”

“Oscar, my point is...V na V pa ako. Be gentle with me, please. Ayoko ngang nasasaktan laluna sa first time...”

Ngumisi si Oscar, pangko na ang bride papasok sa yate. “Don’t worry, Chona. Para lang daw kagat ng langgam...”

Nagpapakahinahon si Oscar habang naghuhubaran na sila ni Chona ng mga damit.

Si Chona ang sabik na sabik na sa ‘first time’, nakahiga na sa kama.

SA ILALIM ng tubig, sa tapat mismo ng yate nina Chona at Oscar, hindi na napigil ni Tatiana ang gutom.

Nagsimulang kainin ni Tatiana ang ilalim ng yate. NGA-SABB. NGA-LOTT.

Umuga ang yate, nagsimulang pasukin ng tubig. Glug-glug-gluugg.

EEEEE. Kaylakas ng tili ni Chona.

(Itutuloy)

ALAM ATIN CHONA MULA OSCAR OSCAR ROMANO SI CHONA TATIANA YATE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with