_pang-masa
^

Para Malibang

Aswang family (71)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NARINIG mo ako, Adwani—hinahamon kita ng patayan! Huwag mong gamitin ang powers mo! Paglabanan natin si Sotero!”  Handang makipagpatayan ni Aling Mameng mabawi lang ang asawa.

Nasa teritoryo siya ng bad fairy, malapit sa kuweba sa gubat. Doon nagtagpo noon sina Sotero at Adwani, bago napakasal kay Aling Mameng ang lalaki.

Doon din nagtagpo ang bad fairy at si Greco bago nagpaka­sal kay Shalina ang lover.

Ang  asawa ni Aling Mameng, si Mang Sotero, at manugang na si Greco ay pareho ngang naging lover ng masamang diwata.

“HUWAG MO AKONG HAMUNIN, MAMENG! LANGGAM KA LAMANG NA KAYA KONG TIRISIN!” Parang kulog sa lakas ang tinig ni Adwani, narinig pero hindi nakita.

Halos nabingi si Aling Mameng.  Naya­nig ang pandinig.

Gayunma’y nakabawi agad. “Lumaban ka nang parehas, Adwani! Huwag mong gamitin ang magic-magic mo!”

POP. Biglang lumitaw ang bad fairy.

Nabastusan si Aling Mameng sa ayos nito. “Ah, ‘kadiri ka!” Talop na talop si Adwani. Ang bad fairy na ito ay walang anumang saplot; hubad sa mundo. “Inggit ka lang sa katawan ko, Mameng na matanda! Ako’y batambata pa rin at pinakamaganda at seksi sa balat ng lupa!”

Napalunok si Aling Mameng, Ayaw na ayaw niyang tinatawag na matanda; bilang babae  ay vanidosa pa rin. “Kung ako’y hindi disenteng babae, Adwani, naghubad na rin sana ako nang lahat-lahat. Itinatago ko lang  ang makurba ko pa ring katawan.” “Really?” Nagtaas ng kilay ang naked fairy. “Tingnan nga natin kung totoo, Mameng!” Kinabahan si Aling Mameng. “A-ano’ng--?”

POP.  Bago pa nakaimik ito, naalisan na ito ng lahat na damit. “Ahh!” Gimbal na gimbal si Aling Mameng; hindi sanay na nakikita ng sinuman ang sagradong katawan. “Wow!  36-26-36! Seksi ka pa nga kahit marami ka nang kulubot, Mameng!”  Napahanga sa karibal si Adwani. (ITUTULOY)

 

ADWANI AHH ALING ALING MAMENG HUWAG MAMENG MANG SOTERO SOTERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with