Pagkain vs. Kidney disease Last Part
(Pang-masa) - December 12, 2013 - 12:00am

11. Cherries

1/2 cup serving fresh sweet cherries = 0 mg sodium, 160 mg potassium, 15 mg phosphorus

Sa pagkain ng cherries araw-araw ay mababawasan ng panganib dulot ng mga pamamaga. Ito rin ay mayaman sa anti-oxidant at phytochemicals na nagbibigat proteksyon sa puso.

12. Red grapes

1/2 cup serving red grapes = 1 mg sodium, 88 mg potassium, 4 mg phosphorus

Ang red grapes ay mayroong flavonoids na nagdudulot ng mamula-mulang kulay sa grapes. Ang flavonoids ay tumutulong maprotektahan tayo laban sa sakit sa puso sa pamamagitan ng pagpigil sa oxidation at pagdurugo. May isang klaseng flavonoids na makikita sa ubas na kungtawagin ay resveratrol, nakakapagparami ng produksyon ng nitric oxide tumutulong na ma-relax ang muscle cells sa blood vessels para pataasin ang pag-daloy dugo. Ang flavonoids na ito ay proteksyon din laban sa cancer at para makaiwas inflammation. Ang phytochemicals sa ubas, alak, grape juice ay lumalabas sa mga pag-aaral na kahit ang mga Pranses ay mataas ang intake ng saturated fat ay mababa naman sila sa panganib dulot ng sakit sa puso.

13. Egg whites

2 egg whites = 7 grams protein, 110 mg sodium, 108 mg potassium, 10 mg phosphorus

  Ang egg whites ay purong protina na mayroong mataas na kalidad ng ng protina dahil mayroon itong amino acid.

14. Isda

3 ounces wild sal­mon = 50 mg sodium, 368 mg potassium, 274 mg phosphorus

Ito rin ay maaring pagmulang mataas na kalidad ng protina  at mayroong anti-inflammatory fats na kung tawagin ay omega-3s. Ang healthy fats sa isda ay tumutulong labanan ang mga sakit katulad ng sakit sa puso at cancer. Ang omega-3s ay nagpapababa ng bad cholesterol. Inirerekomenda ng mga dalubhasa ang pagkain ng isda dalawa hanggang tatlong beses isang linggo sa mga diabetic.

FLAVONOIDS GRAPES INIREREKOMENDA ISDA PHOSPHORUS POTASSIUM PRANSES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with