^

Police Metro

Lady traffic enforcer tinangkang sagasaan ng sinitang SUV na may plakang No. 7

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pang-masa

Nag-dirty finger pa

MANILA, Philippines — Tinangka umanong sagasaan ng driver ng isang puting Sports Uti­lity Vehicle (SUV) na may plate number 7 ang isang lady enforcer sa Guadalupe, Makati City nang sitahin sa pagpasok sa busway, nitong Linggo ng gabi.

Mababatid na ang naturang plate number ay isang protocol plate na nakatalaga sa mga senador.

Sinabi ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr- SAICT) na nangyari ang insidente dakong alas-6:58 ng gabi noong Linggo sa northbound lane ng Guadalupe Station.

Ayon sa ahensya,  napansin ng isa sa kanilang lady enforcer na si Secretariat Sarah Barnachea ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation ng Department of Transportation kaya nilapitan para sitahin sa paglabag suba­lit tinangka pa umano itong sagasaan.

Isang kasamahang traffic enforcer ni Barnachea ang umalalay suba­lit ang pasahero umano ay nag-’fuck you” sa kanila, saka paatras na pinatakbo ang sasakyan hanggang sa marating ang U-turn slot na dinaanan sa pagtakas.

Nanawagan si Senate President Francis ‘Chiz” Escudero sa Land Transportation Office (LTO) na agad na alamin ang may-ari o ang gumamit ng SUV na may protocol plate number 7 na para lamang sa mga senador.

Ayon kay ­Escudero, kung miyembro ng ­Senado ang may-ari ng sasak­yan, dapat lumantad na at atasan ang nagmamaneho at mga sakay ng SUV na harapin ang consequences sa mga na­ging aksyon.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with