^

Pang Movies

Nash at Mika, nanggulat sa kasal!

Dianne Canlas - Pang-masa
Nash at Mika, nanggulat sa kasal!
Nash Aguas at Mika Dela Cruz
STAR/File

MANILA, Philippines — Ikinasal na ang dating Goin’ Bulilit stars na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz na ginanap sa isang intimate ceremony noong Sabado, May 18, sa Tagaytay.

Ibinahagi ng kapatid ni Angelika dela Cruz ang litrato ng pagpapalitan nila ng “I do’s” ng long-time boyfriend na halos anim na taon nang magkarelasyon.

Hindi naman nila pinagdamot ang kanilang kasal dahil agad na kumalat ang mga litrato nila noong mismong araw din ng kasal nila na binahagi rin ng Nice Print photography.

“Walking towards my God-sent, my Love, and my forever,” caption niya sa kanyang litrato habang naglalakad sa aisle papunta sa altar na may hashtag din na #NASHakanyanasiMIKA.

Lutang ang ganda niya sa suot na off-shoulder serpentina gown na gawa ng fashion designer na si Julianne Syjuco.

Binati rin sila ng ate ni Mika na si Angelika at simple lamang ang naging pagbati nito kasama ang litrato ng bagong kasal na may caption na “I love you both @mikadlacruz @zackwey #wedding #weddingday #love” at ni-repost din nito ang mga litrato at video sa kasal ng dalawa.

Marami ang nagulat sa kasal ng magkarelasyon dahil nanatili silang low key at hindi maingay sa social media na parehong hindi na aktibo sa showbiz.

Ang bilis nga raw ng panahon ayon sa netizens dahil parang kailan lamang ay mga bulilit pa sila sa programang Goin’ Bulilit pero ngayon ay kasal na ang mga ito.

Inulan naman sila ng pagbati ng dating aktor na si Nash na isa nang councilor sa Cavite City.

vuukle comment

MIKA DELA CRUZ

NASH AGUAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with