^

Pang Movies

Julie Anne, sinugod sa ospital kaya ‘di sinipot si Regine!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julie Anne, sinugod sa ospital kaya ‘di sinipot si Regine!
Julie Anne San Jose

Nanghinayang si Julie Anne San Jose na hindi siya nakasama sa concert ni Regine Velasquez matapos siyang isugod sa ospital.

Dinala siya sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan at migraine.

Ayon sa Kapuso star, nakapag-ensayo na siya isang araw bago ang naturang concert nito. Kaya naman inaasahan niya ang naturang production number sana nila ng Asia’s Songbird.

“Paggising ko, bigla na lang ako nagsusuka tapos it went on for hours eh. Tapos sabi ko ayoko munang dalhin ‘yung sarili ko sa ospital kasi baka mamaya mawawala naman. Pero nung nagdire-diretso na hindi na talaga tumitigil, nagpaospital ako. Natakot din ako at tsaka ‘yung family ko natakot din sila. Even Rayver (Cruz) was there, pinuntahan din niya ako sa hospital.”

Nagpapasalamat si Julie Anne na naunawaan ni Regine ang kanyang kalagayan.

“Siyempre I felt bad pa rin kasi talagang looking forward ako na makasama ulit si Ate sa stage,” sabi pa ni Julie Anne.

Kylie, bumuwelta sa body-shamers!

May mensahe si Kylie Verzosa sa netizens na nag-iwan ng body-sha­ming comments sa kanyang Instagram post na makasuot siya ng bikini.

Nag-post si Kylie ng Get Ready With Me video, na ipinakita niya ang kanyang diamond bikini top na sinamahan niya ng light-blue cargo pants at white boots para sa annual festival ng online retailer Revolve.

Sa comment section, may mga netizen na nag-iwan ng nakaiinsultong komento gaya ng “too dry” at “ugly.” May mga nagtanong din kung may health problem o eating disorder ang beauty queen-actress.

Gayunman, may mga netizen naman ang nag-iwan din ng positibong komento at nagtanggol sa kanya.

“I’m perfectly healthy and happy, I eat healthy and I take very good care of my health. It’s sad to see so many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home. We’re far behind, and yet here we are still commen­ting on other people’s bodies,” reply ni 2016 Miss International.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with