^

Pang Movies

Sobra ang iyak sa birthday ni Bimby... Kris, aaminin na ang totoong sakit  

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sobra ang iyak sa birthday ni Bimby... Kris, aaminin na ang totoong sakit          
Kris at Bimby

Malungkot ang post ni Kris Aquino para batiin ng happy birthday ang anak na si Bimby.

Umpisa niya kahapon, marami siyang hindi naibabahagi tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan dahil kadalasang nakakalungkot... At ayaw daw niyang sirain ang good vibes sa 17th birthday ng anak na mas piniling alagaan siya sa Amerika kesa bumalik ng Pilipinas at mag-artista.

Pero natatakot si Kris na baka hindi na niya abutin ang 18th birthday ni Bimby dahil sa kanyang limang autoimmune conditions na ang tatlo ay life threatening.

Pinuri niya rin ang anak na “you still show CALM & absolute FAITH in God when my BP and heart rate reach scary high numbers.”

Nakiusap siyang padaanin lang ang April 19 at sasabihin na niya ang totoo niyang kalagayan.

At isinabay na rin niya sa nasabing post ang pag-happy birthday kay Kim Chiu na nag-birthday din kahapon, April 19.

Narito ang post ni Kris :

“April 19, 2007 i gave birth to my living guardian angel… in the past month with kuya josh back in the (Ph flag emoji), and because of several vaccines i needed to be given- bimb kept me company while i quarantined… ayokong sirain ang dapat good vibes sa 17th birthday ni bimb BUT i also know for all those praying for us i owe you the TRUTH.

“Padaanin lang natin please ang April 19 (happy birthday to our beloved @chinitaprincess)… To bimb, “i’m keeping the promise i made to you- September 28, 2018 when we first knew there was something scary about my sudden weight loss and my complete blood test result.

“i’m sorry for showing weakness yesterday when i cried nonstop because of my fear that i may not be around to be with you on your 18th birthday- it’s my bad for not being grateful that against all odds, with 5 autoimmune conditions, 3 of them that are life threatening i failed to see the glass as being half full BECAUSE you’ve matured so much and you’re always ready to help my nurses, and though i know you’re also freaked, you still show CALM & absolute FAITH in God when my BP and heart rate reach scary high numbers.

“No matter how much physical pain i endure daily- my heart overflows with love because of your caring, selfless, unconditional LOVE.” My one wish is for your character to remain STRONG, your values and integrity stay ADMIRABLE, your respectful and polite manner UNCHANGED, and your passion for learning will continue to inspire you to make the most of your education. I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity. You’re my greatest achievement because of your capacity to love- this early you’ve embraced your responsibility to take care of your kuya, and since you were 11 years old, you’ve been so protective of me. Love doesn’t die my (honey pot emoji), please remember that. HAPPY BIRTHDAY to the love of my life.”

Habang sinusulat namin ito ay walang post ang ama ni Bimby na si James Yap ng pagbati.

Or wala kayang plano ang basketball player na isa na ring councilor sa San Juan na dalawin man lang si Bimby?

Actress, pwedeng endorser ng plastic-free campaign 

Wow, bawal din kaya sa Quezon City ang actress na wagas ang kaplastikan? Hahaha.

Ang QC ang kauna-unahang Lungsod na may kampanya na Plastic-free QC. At kasalukuyang makikita ang isang 12-feet art exhibit mula sa libu-libong plastic straws at iba pang single-use plastics tulad ng plastic bag, plastic utensils, at containers na bawal ipagamit sa mga dine-in customer sa mga restaurant at fast food chains ang matatagpuan ngayon sa inner lobby ng Quezon City Hall.

Ang exhibit na ito ay sumisimbolo sa patuloy na pagpupursige ng QC tungo sa pagiging isang plastic-free city. Tatagal daw ang nasabing exhibit ng hanggang katapusan ng Abril.

Kaya hinihikayat ni Mayor Joy Belmonte ang lahat na mag-reuse, reduce, and recycle upang mapangalagaan ang ating kalikasan para sa isang sustainable na kinabukasan.

Dahil nga rito naisip ng source ang isang actress na kamakailan ay naki­pagbati sa isang kaaway. Maraming tao at may mga nakatutok na camera, kaya naman daw parang ang bait-bait ng actress, pero pagtalikod nito ibang-iba raw ang sinasabi, ayon sa isang source.

Inis na inis daw ito na na-off guard siya sa nasabing okasyon.

At ang ending daw, hindi na nito kinausap ang organizer ng nasabing party kung saan sila nagkabati ng isang kaaway.  Hahaha.

So pwede kaya siyang i-display kasama ang mga plastic na straws and bags?

Migs Bustos, dadayo sa UST para sa mga unique summer dessert 

Maki-foodtrip muli kasama si Migs Bustos sa kanyang pagdayo sa mga kanto-kanto sa paligid ng University of Santo Tomas (UST), kung saan matitikman niya ang iba’t ibang cold treats na patok sa mga estudyante ngayong summer sa My Puhunan: Kaya Mo! 

Kilala ang UST hindi lamang bilang isa sa top academic universities sa bansa kundi pati na rin bilang foodtrip destination ng nakararami dahil sa mura at masasarap na mga pagkaing matitikman sa paligid ng campus.

At ngayong tag-init, hanap-hanap ng mga estudyante nito ang malalamig na desserts gaya ng frozen yogurt, shakes, ice scramble, at iba pa. Dito matutuklasan ni Migs ang samu’t saring take sa mga dessert na ito at bakit ito binabalik-balikan. 

Samantala, darayo naman si Karen Davila sa General Santos City para makisakay sa mga tanyag nitong e-jeepney mula sa LADOTRANSCO Multi-purpose Cooperative.

Dito matutuklasan kung paano ito napapatakbo na mistulang cell phone lang kung i-charge, pati na rin ang mga benepisyo nito sa kalikasan. Makikipagkwentuhan din si Karen kung paano nagsimula ito sa paggamit ng e-jeep sa pamamasada sa kasagsagan ng implementasyon ng PUV modernization program.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with