^

Pang Movies

Local film industry, may pag-asa ba sa tax moratorium?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Local film industry, may pag-asa ba sa tax moratorium?

Lahat na naman ay nagsasabing bagsak ang local film industry matapos na kumita ang Metro Manila Film Festival ng pinakamataas na gross sa buong panahon. Ibig bang sabihin ang mga Pilipino ay manonood lamang ng pelikulang Tagalog kung festival at kung ibang panahon ay hindi na?

Pero may panahong ang mga pelikulang Pilipino ay mas kumikita pa nga kaysa sa mga foreign film pero nang ipatupad ng gobyerno noon ang expanded VAT kung saan nagkaroon ng karagdagang tax ang mga raw material na kailangan sa paggawa ng pelikula, doon na nagmahal ang paggawa ng pelikulang Tagalog.

Ang ginawang strategy ng ibang producers ay ti­nipid ang mga pelikula kaya’t nagsimula nang gumawa ang mga producer ng pitu-pito.

Ang pelikula ay tinatapos sa loob lamang ng pitong araw, dahil nakakatipid sila sa equipment rental na napakamahal.

Mukhang hindi pa sila nasiyahan sa pitu-pito, nagpasukan pa ang mga bagong director ng pelikula, walang karanasan, pero makakatapos ng isang pelikula nang mga isa o dalawang milyon lamang na tinawag nilang indie na karaniwan ay sex films ng mga bading.

Kaya’t lalong bumagsak ang mga pelikula.

Noong nakaraang MMFF matindi ang naging promo ng mga pelikula. Ang mga artista mismo nagpunta sa mga sinehan, nagkampanya sa fans na manood ng sine kaya ang nangyari, marami talaga ang nanood.

Eh pagkatapos ng festival balik na naman sila sa da­ting gawi, bagsak ulit.

Ang tanong nila, bakit hindi tinangkilik ang pelikula ni Nora Aunor na mahusay namang aktres at nakakuha ng awards sa limang continents?

Ang tanong nila, bakit mahina ang pelikula ni Aga Muhlach na kung sabihin ay isa sa pinakasikat na actor?

Habang si Enrique Gil malakas lang noong kasama niya si Liza Soberano, bagay kasi silang love team. Nasanay ang tao sa kanya na pa-sweet ang role. Kaso ang tagal niyang nawala tapos pagbabalik pa niya ang tema ng pelikula ay “big bird” siya. Maniniwala ba ang mga tao na ipapakita nga niya ang isang big bird?

Sino ngayon ang sisisihin ninyo sa pagbagsak na muli ng pelikulang Pilipino?

Sila-sila rin. Hindi nila pinoprotektahan ang mga producer at pinahihirapan nila ng pagbabayad ng tax.

Ngayong may moratorium sa tax, nawa’y maibalik nito ang sigla ng industriya ng pelikulang Pilipino.

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with