^

Pang Movies

Bianca, may kampanya sa mga batang nagugutom

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca, may kampanya sa mga batang nagugutom
Bianca

Ang bongga naman ng Sang’gre actress na si Bianca Umali na nagkaroon ng unforgettable moment nang magkaroon siya ng community visit para sa kabataan ng World Vision Philippines sa Batangas.

Nakipag-bonding siya sa mga ito sa pamamagitan ng pagbabasa, pagtatanim at pakikipaglaro sa mga ito.

Lutang ang hilig niya sa mga bata. Gustung-gusto nga raw niya ang pakiki­paglaro sa mga ito kahit saan man, at kahit sa buong mundo man daw kapag may pagkakataon. Ang mga ganitong misyon nga raw ang nakakapagparamdam sa kanya ng kanyang purpose.

Binahagi rin niya kung gaano niya pinagmamalaki matapos niyang madiskubre ang ginagawa ng barangay para maibigay ang mga pangunahing pangangailang ng mga bata.

Binigyang-diin niya ang importansya ng pag-promote ng organic farming, pagbuo ng mga daycare at pagtatanim para mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

Napagtanto nga raw niya na posible pala talaga ang pagkakaisa at pagtutulungan. At posible rin daw pala na walang nagugutom na mga bata.

Kaya nga nanawagan siya na magtulungan ang lahat para walang magutom na kabataan at magdasal para sa mga ito hangga’t magkaroon ng sapat na pangangailangan ang mga ito.

Naging bahagi ang karelasyon ni Ruru Madrid bilang Youth Ambassador for Education ng World Vision Philippines noong 2017.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with