^

Pang Movies

Dominic, dinaan sa pagmo-motor ang lungkot

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dominic, dinaan sa pagmo-motor ang lungkot
Dominic Roque

“I’m good! I am actually good!” matipid na sagot ni Dominic Roque nang makausap ng 24 Oras sa isang motorcycle challenge na dinaluhan nila ng Kapuso actor na si Jak Roberto.

Eh matapos ang hiwalayan kay Bea Alonzo, idinaan ni Dom sa pagmo-motor bike ang pagpawi ng lungkot at iba pang gawain.

Bakas man sa mukha ang lungkot, time to move on na rin si Dominic. Ang naging kasalanan lang niya eh mas malaking artista sa kanya ang sana ay mapapangasawa, huh!

Pamilya ni Beaver, sinagot ang catering ng ‘Magic...’

Kitang-kita sa pamilya Magtalas ang suporta sa anak na si Beaver sa pelikula niyang When Magic Hurts.

Abala ang pamilya ni Beaver nung mediacon ng movie na sa sosyal na Luxent Hotel ginawa.

Nabanggit ni Beaver na naging bahagi rin ang pamilya niya sa REMS Productions na gumawa ng movie pero hindi na siya nagsabi kung sumosyo ba ito.

Eh nakausap namin ang isa sa cast movie at sinabi niya na ang pamilya Magtalas ang namahala sa catering ng buong production habang ginagawa ang movie.

Nabanggit na more than 20 days ang shooting ng movie.

 So mula umaga hanggang gabi eh sagot ng pamilya pati na unli-kape mula umaga hanggang gabi kasama na ang meryenda, huh!

Pag-aagawan sa movie si Beaver ng kapareha niyang sina Mutya Orquia at Maxine Trinidad na sa April mapapanood sa mga sinehan.

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with