^

Pang Movies

EDITORYAL - Ihinto na ang signature drive

Pang-masa
EDITORYAL - Ihinto na ang signature drive

INUULAN ng batikos ang signature campaign para sa people’s initiative sapagkat hindi naman talaga ito ang saloobin ng mamamayan. May kapalit ang pagpapapirma kabilang ang pagbibigay ng ayuda. Pagkatapos makapirma saka ibibigay ang ayuda na galing daw sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Itinanggi naman ng DSWD na nagmula sa kanila ang ayuda.

Ang mas matindi ay ang sinasabing pagbibigay ng pera kapalit ng pirma. Sinasabing mga mayor na mismo ang nagkukumahog para maisulong ang pagpapapirma. Malaking halaga ng pera ang sangkot para ma­isulong ang people’s initiative.

Sinabi ni dating senador Panfilo Lacson sa isang interview, nakaabot sa kanyang kaalaman na malaki ang perang pinamumudmod para makakalap ng pirma. Pero P1,000 lamang umano ang napapasakamay ng mga taong pumirma. Ibig sabihin, nakupitan na ng mga nagsusulong ng people’s initiative ang pondo para rito.

Umaksiyon na ang Commission on Elections (Comelec) at ipinatigil na ang validation ng mga signatures na nakalap. Sinabi naman ni Sen. Imee Marcos na dapat nang ibasura ng Comelec ang nakolektang pirma ng People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA). Illegal umano ito. Marami raw siyang kati­bayan na ang pagpapirma ay may kapalit na food packs at iba pa.

Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang pagbatikos sa PI, sinabi ng mga nasa likod ng PIRMA na itutuloy ang pangangalap ng pirma. Kahit daw iniimbestigahan ng Senado ang signature drive para sa PI walang ma­kapipigil sa kanila. Maski raw ang Comelec, Supreme Court, Senate at Congress ay hindi sila mapipigilan. Wala raw makakapigil sa people’s initiative dahil ito ay karapatan ng mamamayan.

Sabi ni Noel Oñate, lead convenor ng PIRMA, naabot na nila ang required 12 percent ng total popu­lation sa ilalim ng people’s initiative. Itinanggi naman niya na marami na sa mga pumirma ang bumawi ng kanilang signature.

Hindi naman sinabi ni Oñate kung sino ang mga donor ng signature drive. Ang privacy umano ng mga nasa likod ng pagpapapirma ay mananatiling sagrado at pro­tektado sa ilalim ng batas. Ang maliwanag at tiniyak ng lead convenor, tuloy ang pangangalap ng pirma.

Napakaraming problema ng bansa ngayon—El Niño, mataas na bilihin, iringan sa West Philippine Sea, oil price hike at marami pa. At sa kabila ng mga proble­mang ito, ipinipilit pa rin ang pagpapalit sa Konsti­tusyon. Economic provisions lang daw ang babaguhin. Nakapagtataka kung bakit atat na atat sila sa pag-amyenda. Mas gusto pang unahin ang pagpapalit sa Saligang Batas kaysa mga problema ng bayan.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with