^

Pang Movies

Enrique, problemado ‘pag may ka-holding hands

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Enrique, problemado �pag may ka-holding hands
Enrique

Nag-open up ang mga bida ng pelikulang I Am Not Big Bird na sina Enrique Gil, Nikko Natividad, Red Ollero at Pepe Herrera tungkol sa body insecurities.

Inamin ni Gil na pawisin ang kanyang mga palad.

“Pasmado po kasi ako, so sweaty hands. So alam n’yo na kapag may ka-holding hands, oh my gosh, basa! Sorry pasensiya na, pasmado ako.”

Si Nikko naman ay problema ang pimples.

“Sa akin po tigyawat sa mukha. Minsan may season kasi na may tagyawat ka, tapos napagkakamalan ka ng tao hindi ka nagpapalit ng punda!”

Si Red naman ay ang kanyang pagiging mataba.

“Siyempre lahat naman tayo may body insecurities and body type and everything. Ako naman nakaka-cope. Pero siyempre every now and then titingnan mo ang sarili mo, ‘ang taba mo.’”

Si Pepe naman ay may kinalaman sa buhok sa ilong.

“’Di ba minsan kapag gumaganyan ka, lumalabas ang buhok mo sa ilong. Ito naman insecurity ko growing up, pero ngayon I am starting to outgrow it lalo na nasa industriya tayo ng pagpapatawa.”

I Am Not Big Bird opens in cinemas nationwide on Feb. 14.

Sang’gre, ginagamit sa scam!

Naglabas ng pahayag ang GMA Network para bigyan ng babala ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang upcoming Kapuso series na Encantadia Chronicles Sang’gre, at kunwaring may audition.

 Ayon sa GMA Entertainment Group, walang ongoing audition para sa natu­rang proyekto sa ngayon.

“All official announcements are posted on GMA’s official social media accounts.”

Sa direksyon ni Mark Reyes, ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian. Kasama rin sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Rocco Nacino, at Solenn Heussaff.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with