Baby ni Pauleen, mukhang 9 months na!
Hindi binigo ni Pauleen Luna ang netizens and followers niya na nagre-request na magpa-face reveal siya sa kapapanganak lang na 2nd baby girl nila ni Vic Sotto na si Baby Mochi.
Nanganak si Poleng last Jan. 23 at kaagad nga niya itong pinaalam sa publiko’t nagpasilip agad ng labi ni Baby Mochi sa kanyang first post after giving birth.
Kahapon ay nagpa-face reveal na ang misis ni Bossing Vic sa bagong silang na anak kasabay ng pagpapakilala sa kanyang bunso.
Anim na larawan agad ni Baby Mochi ang ibinahagi ni Pauleen.
“Thia Marceline Sotto aka Mochi. January 23 2024. 8.2 lbs,” ang pagpapakilala ni Pauleen sa kanyang bunso.
“Thank you for all your prayers and well wishes,” sey pa niya.
Ang daming natuwa kay Baby Mochi dahil napaka-healthy nito at ang laki niya agad, huh, parang hindi bagong-silang at akala mo’y eight to nine months na sa laki.
Halos lahat ay nakyutan kay baby Mochi na super-tambok ng pisngi.
Ilan sa celebrities na nagpaabot ng pagbati ay sina Jolina Magdangal, Ryan Agoncillo, Isabelle Daza, Saab Magalona, Rochelle Pangilinan, Carla Abellana, Jo Berry, Pia Wurtzbach, Angeline Quinto, Vina Morales, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino at marami pang iba.
Kris, nagulantang sa throwback video niya na nag-viral
Inamin ni Kris Bernal na nagulat siya nang mag-viral recently ang lumang video niya noong sumali siya sa Starstruck Season 4 in 2006-2007.
Sa naturang video ay mapapanood na umiiyak siya dahil sa maikling gupit niya na kagagawan ng hair stylist ng show.
Nakapakaraming nag-reshare ng video at super react ang netizens na awang-awa sa kanya at galit na galit naman sa hairstylist.
Ayon sa aktres sa interview sa kanya ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, hindi na raw siya nag-react pa sa viral video dahil nga naka-focus siya sa pag-aalaga ng kanyang baby.
“Nagulat nga po ako na nag-viral, actually gusto kong mag-react nung time na ‘yon kaya lang talagang very focused ako kay baby, parang ayoko ko pa talagang mag-ano, manggulo ng social media,” simula ni Kris.
Tinanong siya ni Kuya Boy kung ano ba talaga ang kwento sa likod ng video na ‘yun at nagbalik-tanaw ang aktres sa pangyayari na ‘yun 16 yrs ago.
“May makeover kami. So, very excited ako noong una, kasi ever since long hair talaga ako, ayoko nang nagpapagupit. So akala ko, ipe-perm ako, curl perm ganyan-ganyan,” simula ng aktres.
Pero naloka raw siya talaga sa naging resulta ng makeover niya. “Nagulat ako sa lahat ng Starstruck contestants, sa akin ang pinaka-drastic talaga ang makeover. Talagang ginawang ganyan,” sabay-turo sa picture ng short hair niya na naka-flash sa screen.
Pero bilang contestant lang siya no’n, hindi na raw siya nakaangal dahil baka ‘yun pa raw ang ikatanggal niya. “Bilang ano, bawal akong umangal, baka maligwak ako kapag umangal ako. So talagang iyak ako, iniyak ko na lang talaga ta’s kunwari happy ako, ngumingiti-ngiti na lang ako.
“Grabe, pero hindi ko talaga gusto ‘yung hair ko,” natatawang kwento na lang ni Kris habang tawa rin nang tawa si Kuya Boy.
Naalala pa raw niya na dahil sa ikli ng hair niya ay wala na siyang ibang magawa rito. “Wala akong magawa sa buhok ko. Walang magawa, hindi mo makulot, hindi mo malagyan ng hair extensions.”
Pero nagbunga naman ang kanyang sakripisyo dahil nanalo siya’t itinanghal sila ni Mart Escudero bilang Ultimate Loveteam. “Nanalo ako, at saka lagi nilang naaalala si Kris Bernal ‘yung contestant na may buntot ‘yung buhok,” she said.
- Latest