^

Pang Movies

Miguel, 3 taon ‘di nakatikim ng gupit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Miguel, 3 taon �di nakatikim ng gupit
Miguel

Ang una raw na ginawa ni Miguel Tanfelix noong matapos na ang taping ng Voltes V: Legacy ay ang magpagupit dahil tatlong taon siyang hindi nakatikim ng haircut.

Tama lang daw dahil nag-shoot siya agad para sa pelikula ng GMA Public Affairs na Firefly kung saan kasama niya sina Ysabel Ortega, Alessandra de Rossi, Euwenn Aleta at Dingdong Dantes.

Naging busy rin si Miguel sa pag-attend ng kanyang filmmaking class ngayon at medyo lumuwag na ang schedule niya.

At isa rin si Miguel sa kinuha ng GMA para mag­hatid ng mensahe tungkol sa anti-piracy sa mga legal merchandises ng Kapuso network.

Kasama ni Miguel si Matt Lozano at Raphael Landicho sa pagprotekta ng “rights of content creators and foster a culture of respect for intellectual property.” “Make sure to buy Voltes V: Legacy merchandise only from official licensees like the GMA Store. Let’s buy responsibly and help fight piracy,” sey ni Miguel sa anti-piracy ad.

Dolly, ‘di makakalimutan ang kabaitan ni Maricel

Sa Magandang Buhay kinuwento ng international Filipina actress na si Dolly De Leon na mga naging odd jobs niya bago niya natamasa ang success sa showbiz.

Kabilang sa odd jobs na ito ay maging mascot at babysitter.

Nakasama rin pala si Dolly sa Shake Rattle and Roll III movie ni Direk Peque Gallaga sa episode na Undin na bida si Manilyn Reynes.

Nakita naman daw niya ang kabaitan ni Maricel Soriano noong makaeksena niya ito sa isang episode ng The Maricel Drama Special. “Reporter ang role ko ini-interview ko siya. Nung ginawa ko ang lines okay ang ganda. Tapos nung dumating na si Ms. Maria on set, wala na nadapa-dapa na ang lines ko ang pangit, nakakahiya. Mabuti na lang at mabait siya, hindi naman niya ako pinagalitan or anything, patient naman siya.”

Ariana Grande, nakipag-divorce na sa mister

Opisyal na nag-file ng divorce si Ariana Grande sa kanyang husband na si Dalton Gomez.

According to reports, Grande was the one who filed for divorce two months after their initial separation.

Ayon sa People: “The split was kind and patient and they have both moved on. Both Grande and Gomez are taking their time together to slowly work through the details of the agreement privately. They’ve been really caring and respectful of one another through every step of this process.”

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with