^

Pang Movies

Baguhang female star na P50K lang ang dating TF, biglang P1 m ang asking price!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nanlaki ang mata ng isang events organizer nang kumukuha siya ng mga artista para sa isang piyesta at ipinakita sa isang opisyal ng probinsiya ang mga picture at presyo nila.

Nawindang ang opisyal nang makita niya sa pictures ang isang young female star na foreign sound ang apelyido.

Kung dati eh nakuha niya ang baguhang female star sa halagang P50K, ngayon ay isang milyon na raw ang asking price sa ilang kanta lang, huh!

To think na hindi pa naman nagli-lead sa movie o TV series ang female star!

At hindi rin naman siya ikakama, huh!

Tanggal sa listahan ng opisyal ang baguhang female star!

Isko, napuri sa buffet!

Umani ng papuri si Isko Moreno sa pagbati niya sa pagkakaroon ng bagong tahanan nina Tito, Vic and Joey sa TV5.

Tinawag nga ni Isko na parang may buffet ang manonood tuwing tanghali dahil sa tatlong shows.

Natanong si Isko ni Boy Abunda tungkol sa sinabi niyang buffet nang mag-guest ito sa Fast Talk With Boy Abunda na parang konti lang ang pumili sa Eat Bulaga.

“That’s understandable because so much hype and drama happened the last few weeks and days.

“Kami naman, basta tayo, focus lang tayo, ang gagawin nating Eat Bulaga ngayon, hindi na tungkol sa mga host, tungkol na ito sa viewers – eccentric na tayo na show, ilapit natin ‘yung Eat Bulaga sa kanila.”

Rason pa niya, “If there will be buffet like in this case, lalabas lahat ng galing ng mga artista kasi may kumpetensiya and we should not get each other when we’re competing kumbaga ang point ko, let us not create hate and expect somebody to fail for you to go up!”

Sinasabi mang panghuli sa labanan last July 1, mananatili ang tulong at saya na gustong ibahagi ni Isko sa manonood!

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with