^

Pang Movies

Patrick, ‘di umabot sa kanilang house warming

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Patrick, �di umabot sa kanilang house warming
Patrick

Sa darating na Friday, may naka-schedule pa silang house warming sa bahay na ipina-renovate nila ng kanyang asawang si Liezel, ibig sabihin walang nadaramang problema ang aktor na si Patrick Guzman sa kanyang kalusugan, at sino nga ba ang mag-iisip na noong Biyernes ay aatakehin siya sa puso at matutuluyan na. Biyernes pumanaw si Patrick pero nabalita dito sa atin Sabado na dahil sa time difference.

Iniwan ni Patrick ang kanyang showbiz career noong gusto na niyang mag-asawa at magbuo ng sarili niyang pamilya. Naisip niyang magbalik sa Canada kung saan sila maaaring mamuhay nang pribado. Si Patrick ay isang Canadian citizen.

Marami ang nanghihinayang, napakabata pa ni Patrick para pumanaw, siya ay 55 years old lang, pero ganyan talaga ang sakit sa puso, sa una hindi mo malalaman na may sakit ka na sa puso, wala ka namang mararamdaman hanggang hindi ka inaatake, at kung atakehin ka, nakikipaghabulan ka na sa oras.

Joey, may habol!

Kung sa pagbabalik man ng original na Dabarkads sa TV5 ay gamitin nila ang title na Eat Bulaga, hindi sila mapipigil ng Tape Inc., na nagparehistro noon bilang isang trademark for merchandising lang naman. Hindi nila naiparehistro iyon bilang isang title sa entertainment na siya namang inaplyan ni Joey de Leon kamakailan lamang.

Kung ma-approve ang registration ni Joey, siya ang maaaring magbawal sa Tape at sa GMA na gamitin ang Eat Bulaga, o maaaring singilin niya sila sa paggamit noon.

Para naman sa madlang people, ano man ang title na gamitin nila sa TV5 sa kanilang pagbabalik ay Eat Bulaga pa rin iyon sa tingin ng mga tao, 44 na taong ang Eat Bulaga eh, at alam naman natin na totoo ngang si Joey ang nakaimbento ng title na iyon.

Nakakahinayang para sa GMA 7 na mula sa pagkakaroon ng number one show na siyang bumubuhat ng kanilang buong aftenoon programming, ngayon ang naiwan sa kanila ay ang number 3 sa tatlong naglalaban at araw-araw pa ay nilalait ng mga tao sa social media. Kung wala sa kanila si Boy Abunda, parang ‘binagyo’ na ang kanilang mga programa.

Tiktoker-male starlet, interesado sa model na may scandal!

Bigla raw nagpadala ng friend request ang isang TikToker-male starlet sa isang model star na kamakailan ay may kumalat na scandal. Iyon ding starlet-Tiktoker ay nagkaroon ng scandal noong araw, at marami pang ibang ginawa, mabuti hindi pa kumakalat.

Pero kakaiba ang friend request. Marami na raw tinatanong ang starlet sa model male star na may scandal. Naghahanap na rin daw iyon ng date, mukha ngang bading talaga ang male starlet Tiktoker na iyan, at nagka-crush siya sa model-male star matapos niyang mapanood ang video scandal noon. Hindi lang naman kasi pogi si model-male star eh, may maipagmamalaki talaga.

vuukle comment

PATRICK GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with