^

Pang Movies

Rachelle anne may second baby na...Sarah ‘di priority ang anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Rachelle anne may second baby na...Sarah âdi priority ang anak!

Hindi kaya naiinggit ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo sa kanyang kaibigang si Rachelle Ann Go na malapit nang magdalawa ang anak sa husband niyang si Martin Spies?

Sa darating na Feb. 20, 2023 ay ikatlong wedding anniversary na nina Sarah at husband niyang si Matteo Guidicelli pero hanggang ngayon ay wala pa ring baby ang dalawa.

Sa unang quarter of 2023 nakatakdang isilang ni Rachelle Ann ang second baby nila ng kanyang husband at magiging kuya na ang kanilang panganay na si Lukas Judah who is turning 2 on March 26, 2023.

Ang mag-asawang Rachelle Ann at Martin with their son na si Lukas ay sa London na naka-base ngayon matapos silang makabili ng bahay sa Greenwich, London nung December 2019.

Most of the time ay sa West End in London ang work ni Rachelle Ann bilang stage actress na kanyang sinimulan nung 2014 sa re-staging ng Miss Saigon originally starred in ni Lea Salonga playing the role of Kim.

Sa New York City nagkakilala sina Rachelle Ann at ang kanyang mister, ang American executive na si Martin Spies in 2017.

Charo, babalikan ang pagiging producer?!

Tuloy na tuloy na ang pagsasama sa pelikula nina Charo Santos at Dingdong Dantes na nakatakdang idirek ni Irene Villamor na siya ring sumulat ng script na may titulong Love After Love.

Ayon na rin mismo sa award-winning actress, nung 2019 pa na-pitch sa kanila ang nasabing material pero dahil sa pandemic ngayon lamang umano ito matutuloy.

Parehong excited sina Charo at ang Kapuso actor na si Dingdong sa kanilang unang team-up sa kolaborasyon ng Cornerstone ni Erickson Raymundo, Percy Lansigan ng PPL Entertainment at ni Malou Santos, ang dating Managing Director ng Star Cinema.

Since magtatapos na sa darating na Dec. 10, 2022 ang top-rating and longest-running drama anthology ni Charo sa ABS-CBN, malayang-malaya na ang dating President at CEO ng Kapamilya network na magtrabaho sa alinmang TV network outside of ABS-CBN maging sa ibang movie outfit.

Charo will have more time now taking good care of her ailing husband na si Cesar Concio at sa kanyang acting career. Hindi rin kami magtataka kung muli siyang magiging aktibo sa kanyang pagiging movie producer na ginagawa na niya noon sa Vision Films bago pa man siya naging bahagi ng Regal Entertainment at ABS-CBN.

Inamin ang actress-host at film producer na sobra rin umano siyang nalungkot sa pagpapaalam ng MMK pagkatapos ng 31 years nitong pamamayagpag sa ere.

Ang nasabing programa ang naging barometro ng maraming artista pagdating sa pagiging mahusay sa acting.

Bukod kay Charo at sa bumubuo ng MMK throughout the years including all the directors, writers and actors, mag-iiba na umano ang viewing habit na televiewers sa tuluyang pamamalaam ng programa na sobrang minahal ng mga manonood dahil sa aral at inspirasyon na dulot nito na nagmula mismo sa tunay na buhay at karanasan ng letter senders.

Roderick, ‘di na makakatakbo sa kahit anong public position

It was last Nov. 25 nang ibaba ang hatol sa singer, actor-comedian at dating politician na si Roderick Paulate ng Sandiganbayan anti-graft court 7th Division na siya’y guilty sa isinampa sa kanyang kaso ng Ombudsman na may kinalaman sa graft and falsification charges laban sa kanya. Ito’y may connection sa 30 ‘ghost employees’ na kanya diumanong ipinasok nung siya’y nanunungkulan pang konsehal sa ilalawang distrito ng Quezon City.

May anim hanggang walong taong kulong ang graft habang anim na buwan hanggang anim na taon sa bawat count ng falsification charges laban sa kanya. Pinagbabayad din siya ng P1.1M na siyang halaga ng suweldo ng ‘ghost employees’ at P10,000 each for falsification of public documents at hindi na rin siya makakatakbo sa anumang public position habambuhay.

Marami siyempre ang nabigla sa naging desisyon ng Sandiganbayan laban kay Roderick na sumubok tumakbo sa pagka-vice mayor ng Quezon City maging sa kanyang pagbabalik sa konseho pero hindi siya pinalad.

Erik, kapiling pa rin ang ina ngayong Pasko

First Christmas ni Erik Santos and his family this year na hindi na nila kapiling ang kanyang inang si Angelita Santos na sumakabilang-buhay nung nakaraang Nov. 25, 2022 dahil sa sakit nitong lung cancer. She was cremated last Dec. 1, 2022 pero ang kanyang urn ay inuwi muna nila Erik sa kanilang bahay para ‘makasama’ pa rin nila ito during the Christmas holidays.

Super close si Erik sa kanyang yumaong ina kaya siya ang pinakaapektado sa kanyang pamilya. He also took care of her nung ito’y maysakit na.

Naniniwala naman ang Prince of Pop na patuloy siyang gagabayan ng kanyang ina at ito umano ang magsisilbi nilang guardian angel in heaven.

At 40, mukhang wala pa rin sa immediate plans ng singer-actor ang mag-asawa. Na-link siya noon sa dalawang Quinto – sina Rufa Mae Quinto at Angeline Quinto na pareho nang may sariling pamilya ngayon.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with