^

Pang Movies

Gloria Romero, prinotektahan sa pandemic ng Kapuso!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gloria Romero, prinotektahan sa pandemic ng Kapuso!          
Gloria

Tiyak na excited ang viewers ng Sunday shows ng GMA Network tomorrow, dahil magkasunod na magsi-celebrate ng kanilang anniversaries ang Amazing Earth at Daig Kayo Ng Lola Ko.

Fourth anniversary ng Ama­zing Earth hosted by Dingdong Dantes, at 5th anniversary naman ng DKNLK. Four episodes each ang sunud-sunod na mapapanood on July 10, 17, 24 and 31.

Happy si Dingdong dahil sa four years  ng show, napakarami na niyang natutunan sa bawat episode na ipini-feature niya, at kasama niyang nanonood ang mga anak nila ni Marian Rivera, na sina Zia at Ziggy. Proud siya na naipi-feature niya sa show ang amazing guests na Filipinos here and abroad.

May special guests siyang makakasama bawat episode, sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid at Max Collins, at 5:20 p.m. sa GMA 7.

Sa fifth anniversary ng DKNLK, bukod sa guests nila, muling mapapanood si Ms. Gloria Romero, si Lola Goreng sa serye. Ayon kay Ms. Ali Nokom Dedicatoria, GMA’s Asst. Vice President for Drama, kinausap nila si Tita Glo kung pwede siyang mapanood sa short intro for the anniversary episode at pumayag naman ang beteranang aktres. “We have to protect her nang magkaroon tayo ng pandemic two years ago, kaya hindi na namin siya pinalabas sa mga sumunod na episodes. But we will always be grateful to her.”

Bianca, handa na sa malakasang stunts

Nag-share si Sparkle star Bianca Umali ng video niya na may hawak siyang bamboo swords at kalaban niya ang martial arts trainer na si Erwin Tagle.

Ang netizens, nagtanong agad kung ang ginagawa ni Bianca ay preparation niya sa upcoming fantasy series ng GMA, ang Sang’gre. Mukhang ready na raw si Bianca na mag-workout, showing intense stunts, habang ginagawa niya ang mga complicated twist and turns with her weapon.

Matagal nang na-announce ng GMA na may kasunod ang epic serye nilang Encantadia, na Sang’gre ang title.

vuukle comment

GLORIA ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with