^

Pang Movies

Pres. Duterte, naglagare sa burol

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pres. Duterte, naglagare sa burol

Lagare pala si outgoing President Duterte sa lamay noong isang gabi – kina Queen of Philippine Movies Susan Roces at sa kapatid ni Pastor Apollo Quiboloy na si Bishop Jose Quiboloy sa Heritage Park.

Obviously, hindi naniniwala ang e-exit na presidente ng bansa na bawal ang lagare sa lamay dahil maraming pulitiko ang gumagawa nito lalo na local level.

Anyway, pinasalamatan ni Sen. Grace ang Pangulo sa ginawa nitong pakikidalamhati sa kanilang pamilya.

“Pinahahalagahan ng aming pamilya ang kabutihang loob na magbigay-pugay sa aking ina ang Pangulo ng ating bansa. Maraming salamat, PRRD.”

Maaalalang naging magkalaban sa pagkapangulo sina Pres. Digong at Sen. Grace noong 2016.

Level na nina Anne Hathaway, Julia Roberts etc. sa Cannes...

Heart, napagkamalang walang underwear

Todo-rampa na si Heart Evangelista sa Cannes Film Festival.

Ito ay kahit walang pelikulang kasali si Heart sa nasabing prestigious film festival sa Cannes, France.

Fashion event na rin kasi ang Cannes Filmfest kaya mga sikat talaga ang rumarampa

Kasama sa mga nag-red carpet ngayong 2022 sina Anne Hathaway, Julia Roberts, Tom Cruise, Korean actor Lee Jung-jae, Jennifer Connelly, Julianne Moore, at maraming-marami pang ibang famous personalities sa fashion and entertainment world.

Sa unang mga pasilip ni Heart sa kanyang outfit, may flower crystals na isang asymmetrical spaghetti-strapped black midi dress na gawa ni David Koma.

Same outfit ito ng Polish actress na si Anna-Maria Sieklucka sa premiere night ng erotic drama na 365 Days na napapanood sa Netflix.

Tanong nila ‘who wore it better?’

Anyway, second outfit niya ‘yung bra top at thigh-high slit skirt. Wow all the way ang cutout nito sa magkabilang gilid, na animo’y wala siyang suot na underwear.

International model ang dating ni Heart sa mga nasabing outfit.

Inaasahang mas pasabog pa ang outfit niya sa mismong red carpet na habang sinusulat namin ito ay ‘di pa siya nagpo-post.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with