^

Pang Movies

Willie, nabawasan ang ningning!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Willie, nabawasan ang ningning!

Parang na-feel ko naman ang frustrations ni Willie Revillame.

Imagine mo na isang buwan nang wala siya sa TV at hindi naman siya hinanap ng viewers. Malakas ang rating ng programang ipinalit sa time slot niya. Parang wala namang nakapansin ng programa niya sa Facebook. Basta ganun lang, nawala siya, ok lang. Iyan nga ang laging nangyayari sa followers mo, out of sight, out of mind.

Eh hindi nga sing-bigat ng TV ang followers ng Facebook. At kung totoo ngang malakas ito bakit hindi kinuha sa TV. Saka kung talagang ganu’n karami ang may gusto kay Willie Revillame bakit wala siyang programa sa TV?

Napatunayan ngang hindi siya ganun kalakas dahil mas mataas ang rating ng ipinalit sa kanya, plus the fact na wala namang clamor na mapanood siya uli kaya hayun, Facebook muna siya at YouTube. Hindi naman siguro gagawing frontliner agad ng Villar TV si Willie kung ganyang hindi naman pala sing-lakas ng inaasahan ang magiging dating niya.

Siyempre ang gagawin mong frontliner, iyon talagang ‘pag nakita sa istasyon mo, bulaga ang lahat. Iyon talagang bonggang-bongga talaga. Hindi na panahon ni Willie kaya tanggapin na natin na bawas ningning siya sa ngayon. Pagbalik ningning niya, iyon, bonggang bongga ulit.

Bea, parang walang pake sa nangyayari sa Ukraine

Habang pinapanood ko ang news tungkol sa Ukraine, parang nagkaroon ako ng feeling of guilt na inaaksaya ko ang oras ko sa isang Bea Alonzo lamang. Nakita ko ang tapang at pagmamahal ng Ukranians sa kanilang bayan, ayaw nilang pasakop sa ibang gobyerno, gusto nila ‘yung kanila lang. Hahangaan mo si Volodymyr Zelensky sa tapang at wisdom nito na walang takot sa Russia, at sa laki ng tiwala niya sa kanyang mga kababayan na kakayanin nila ang lahat basta hawak kamay sila at sama-sama. Talagang ngayon pa lang, hero na si Zelensky. Ang daming problema, ang daming dapat pag-isipan, ang daming dapat bigyan ng pansin.

Gaga talaga ako na distracted sa issue ng isang Bea Alonzo lang na wala namang maibibigay na solusyon sa mga nagaganap sa paligid dahil abala sa pag-cancel ng mga tao na ayaw niya. Dapat siguro manood din ng news si Bea at hindi lumang movies niya ang pinapanood kaya nagkakaroon ng illusion of grandeur kung minsan. Watch mo naman CNN o BBC, Bea Alonzo, huwag old movies mo lang.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with