^

Pang Movies

Julius at tintin, 12 taon ang hinintay bago nakatrabaho uli

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julius at tintin, 12 taon ang hinintay bago nakatrabaho uli

Twelve years din ang hinintay ng mag-asawang Julius Babao at Christine ‘Tintin’ Bersola-Babao bago sila muling nagsama sa isang bagong programa sa pamamagitan ng Julius & Tintin: Para sa Pamilyang Pilipino on One PH Cignal TV simulcast sa 92.3 News FM at livestreamed sa YouTube at FB pages ng OnePH.

Ang mag-asawa ay huling nagkasama sa kanilang TeleRadyo program on DZMM, ang Good Morning with Julius and Tintin in 2012. Si Tintin ang unang umalis sa nasabing programa dahil nagkaroon siya ng daily morning show sa TV5.

Bukod sa pagiging broadcast journalists ng mag-asawa, si Julius ay isa ring news anchor ng Frontline Pilipinas on TV5 simula nung Feb. 7, 2022 after being with ABS-CBN sa loob ng mahigit 30 taon.

Hindi naman puwedeng ma-accuse si Julius ng disloyalty sa kanyang dating home studio, ang ABS-CBN matapos itong mawalan ng prangkisa nung May 5, 2020. He stayed on until the end of December 2021. Nagkataon lamang na nabigyan siya ng mas magandang opportunity ng TV5 kaya siya maayos na nagpaalam sa bosses ng Kapamilya network at naunawaan naman nila ang naging desisyon ng mister ni Tintin.

Julius and Tintin have been married for over 18 years now. Ang mag-asawa ay nag-celebrate ng kanilang ika-18th wedding anniversary nung Dec. 8, 2021.  Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Anya (Antonia Julia Sofia) – 17 at Nio (Antonio Francesco) – 12.

Sa kabila ng kanilang busy schedule, they make it a point na ang kanilang weekend ay nakalaan sa kanilang bonding with the kids.

Kathniel, 10 years na ang relasyon

One month apart lamang ang kaarawan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.  Si Kathryn ay nag-celebrate ng kanyang ika-26th birthday sa El Nido, Palawan last March 26 habang magtu-twenty 27 naman on April 26 si Daniel.

Dahil summer, nagdesisyon ang magkasintahang Kathryn at Daniel na sa beach nila ito i-celebrate kasama ang ilang malalapit na kaibigan tulad nina Joshua Garcia, Ria Atayde at iba pa.

Ang magkasintahang Kathryn at Daniel ay 10 taon na ang relasyon (going 11 on Sept. 4) pero hindi umano sila nagmamadali na mag-asawa dahil pareho pa nilang ini-enjoy ang at marami pa silang ibang priorities na gusto nilang ma-fulfill.

Among the young stars, maituturing na ang relasyon nina Kathryn at Daniel ang pinamatagal at pinakamatatag despite their young age.

Samantala, inaabangan na ng kanilang mga tagahanga ang kanyang upcoming TV series na pinamagatang 2 Good 2 Be True bilang follow-up sa kanilang TV series in 2017, ang La Luna Sangre.

Mike, pinagaling ng dasal

Simula ngayong araw ng Lunes, March 28, ay balik radio at television ang award-winning veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez na may tatlong buwan ding nagpahinga due to health reasons.

Matapos sumailalim ng heart by-pass in 2018, kidney transplant naman ang hinarap ni Mike sa kanyang tatlong buwang pagkawala sa trabaho bilang radio commentator sa kanyang daily program sa DZBB ng GMA at sa kanyang paghahatid ng balita sa 24 Oras kasama sina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Hindi naging madali kay Mike ang kanyang pinag­daanan pero dahil sa kanyang strong faith sa Diyos and the will power to survive, he is back in top shape and ready to face the challenges ng kanyang trabaho kasama na ang kanyang investigative docudrama program na Imbestigador.

Aminado si Mike na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanang medical procedure pero siya’y nagpapasalamat na ito’y naging matagumpay.

Naniniwala si Mike na hindi lamang siya ang nagdasal kundi maging ang kanyang wife na si Baby, mga kaanak at mga kaibigan kundi maging ang supporters, viewers and listeners ng kanyang mga programa sa GMA.

vuukle comment

JULIUS BABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with