^

Pang Movies

Kasal nina Vice at Ion, walang bisa sa ‘Pinas!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kasal nina Vice at Ion, walang bisa sa �Pinas!             

Inamin na ni Vice Ganda sa pamamagitan ng isang vlog na nagpakasal na nga sila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez sa isang kapilya sa Las Vegas.

Sa Las Vegas siguro mag-asawa sila, pero sa Pilipinas ay walang saysay iyan.

Kung natatandaan ninyo, ibinasura na ng korte suprema ang petisyon noon na kilalaning legal ang same sex marriage sa bansa, at kahit na may mga kandidatong senador at congressman ngayong panahon ng kampanya na nagsabing isusulong nila ang same sex marriage, malabo ‘yun. Ang mga bakla o tomboy na nagpakasal sa ibang lugar ay hindi pa rin mag-asawa sa Pilipinas.

Hindi sila magkakaroon ng conjugal properties. Hindi sila maaaring mag-file ng joint income tax. In short wala silang marital rights na maigigiit dito.

Magpakasal man sila sa LA, sa Canada, sa New York, o kung saan mang estadong pinapayagan iyan, wala pa rin kaibahan doon sa ginagawa ng isang pari-parian sa Project 8 na nagkakasal ng mga bakla at tomboy. Seremonyas lang iyan, walang legal o moral bearing.

Kaya iyon nagpakasal sina Vice at Ion para sa amin ay hindi malaking balita iyan.

Nora, may kalye noon sa iriga

May panibagong nilalaban ang supporters ni Nora Aunor, at iyan ay ang magkaroon din ng isang kalye na ipapangalan sa kanya.

Nauna nang ipinangalan kay FPJ ang isang kalye sa Quezon City, kaya ngayon gusto rin ng ibang Noranians na magkaroon ng isang kalye na ipapangalan sa kanilang idol.

Pero hindi ganoon kadali ang magpalit ng pangalan ng isang kalye. Kailangan ng isang batas. Dadaan ‘yan sa House of Representatives at sa Senado, at oras na makalusot sa kongreso ang isang panukalang batas para ipangalan sa kanya ang isang kalye, kailangang aprubahan pa ng presidente ng Pilipinas. Tapos kailangan ng publication sa official gazette at saka lang maipapatupad.

Saka hindi kasi siya ipinanganak sa Quezon City.

Natatandaan namin, noong panahon ng kasikatan niya, may isang kalye sa Iriga, Camarines Sur, na tinawag na Nora Aunor Street.

Hindi namin alam kung nandun pa iyon.

Dancer/male star, for sale ang malaswang video

May kumakalat na namang panibagong scandal ang isang dancer-male star, na umalis na sa showbusiness matapos na masangkot sa isang malaking controversy.

Hindi naman siya nakulong, o nakasuhan dahil sa controversy na iyon, pero nawala ang kanyang showbiz career.

Pero nagulat nga kami nang may nagpadala sa amin ng isang bago niyang scandal, at mukhang bago.

Ganoon ang hitsura niya ngayon eh. Sabi ng aming source, ipinadala raw sa kanya ang video scandal matapos na magpasa siya ng three hundred pesos (digitally). Hindi naman sigurado ang aming source kung ang dancer-male star mismo ang nanghingi ng pasa load kapalit ng video. Maaari kasing may nakapag-save ng nasabing video matapos mai-download sa kung saan at ngayon ay ginagamit naman para makahingi.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with