^

Pang Movies

Bong, mas type ang bagong kalakaran sa taping

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bong, mas type ang bagong kalakaran sa taping

Talagang isang bagay na nagustuhan ni Bong Revilla sa bagong kalakaran ngayon sa taping ay ‘yung lock-in.

Talaga raw maayos ang lahat, hindi pagod ang artista at production staff, at walang hintayang nangyayari dahil nasa set na ang lahat. Nakakapahinga at hindi nagmamadali sa pagkain ang mga tao. Saka mas mabilis daw ang trabaho.

Isa pang gustung-gusto nito na sana nga makasanayan na ng lahat ay ang paggamit ng face mask, talaga raw maganda ang nagawa nito sa protection, pati na ‘yung laging paggamit ng alcohol sa mga kamay. Bongga nga naman.

Huwag pa-bully...

Hindi ko ma-understand ‘pag may nababalitaan akong tao na binu-bully. Kasi kahit pa nga isa kang PR man, o gusto mong magbait-baitan school of acting, huwag kang papayag na basta ka inaaway, pinagsasalitaan ng hindi maganda.

Ok sa akin na merong mga tao na mahaba ang pasensiya, ayaw ng gulo, pero dapat alam din nila na hindi nila puwedeng paulit-ulit gawin ‘yung pambu-bully sa iyo. Merong demarcation line ang lahat. Alam mo ‘yung biro sa totoo, alam mo ‘yung gusto kang tapakan, sa hindi. Basta alam mo ang karapatan mo, ipaglaban mo. Mukha kang kawawa kung basta papayag ka.

Kaya ever since, confrontational ako, kahit pa nga madalas noon hindi ako nai-invite kasi nga basagulera raw ako, ok lang. Kailangan lang alam mo ang lugar mo, alam mo na tama ka, ipaglaban mo.

Hindi na uso ‘yung inaapi, sa drama movie lang iyon, uso na ‘yung kaagad i-settle mo ang issue, para alam mo saan ang linya na dadaanan mo. Kung galit ka sa tao, sabihin mo, para alam niyang iiwasan ka niya o haharapin ka.

Kung ayaw sa iyo huwag mong ipilit, pathetic iyon. Basta kung ano ang gusto mo, gawin mo, at ipakita na kaya mong ilaban ito.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with