^

Pang Movies

Osang, Alma, Maui at Ara, nagsalita tungkol sa bagong Pornstars

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Osang, Alma, Maui at Ara, nagsalita tungkol sa bagong Pornstars

Puring-puri ng legen­dary sexy stars na sina C, Alma Moreno, Maui Taylor and Ara Mina at apat na baguhang kasama nila sa pelikulang Pornstar 2 (Pangalawang Putok) na sina Ayanna Misola, Stephanie Raz, Cara Gonzales at Sab Aggabao.

Para sa apat na dati ring nagreyna sa pagpapa-sexy, malayo raw ang mararating ng apat na new sexy stars.

“Sobrang sipag nila, sobrang walang arte. Malayong-malayo sa attitude namin noong araw,” sabi ni Osang.

Dagdag pa niya, hindi raw sila nahirapang kaeksena ang apat dahil prepared daw ang mga ito na dumarating sa set at kabisado na ang script.

Sinegundahan naman ito ni Ness at dinagdagan niya na marespeto raw ang mga ito at marunong makinig. “Saludo ako sa kanila. Sana, marating nila ang lahat ng pangarap nila,” sey ni Ness.

Ayon naman kay Ara, sobrang professional ng apat, walang attitude at madami raw mag-adjust.

“Hindi rin sila nahihiyang magtanong. Like si Ayanna, ‘okay lang po ba ito?” So,’yun. Ituloy-tuloy n’yo lang ‘yan, malayo ang mararating n’yo,” ani Ara.

Sabi naman ni Maui, na-amaze raw siya talaga sa apat at binati niya ang mga ito for a job well done. “To the 4 newbies, magko-congrats na lang ako in advance. And as your ate on the set, masasabi ko na the 4 of you have done a very good job. Keep up the good work and tatandaan n’yo palagi ‘yung mga sinasabi naming mga legends sa inyo na huwag na huwag lalaki ang ulo ninyo and feet on the ground palagi and tiwala kami the 4 of you will make it,” mensahe at payo ni Mauwi sa 4 girls.

Mapapanood na simula ngayong Dec. 3 ang Pornstar 2 sa Vivamax mula sa direksyon ni Darryl Yap.

Mavy at Kyline, umamin na

Hindi naman pala lingid ang parents nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang namumuong magandang pagtitinginan ng dalawang young stars lalo pa nga’t nasa showbiz din ang magulang ng una na sina Zoren Legaspi at Camina Villarroel. “Nakatrabaho na ni Kyle ‘yung Mama ko ‘yung Papa ko, so they’re very familiar with Kyle and like I’ve mentioned earlier, we’ve been friends for a very long time so there are times na bumibisita siya sa house, lumalabas kami. So, they’re very familiar with all that,” sabi ni Mavy sa virtual mediacon ng I Left in My Heart In Sorsogon.

He added, “pagdating naman sa mga magulang ni Kyle, kilala rin ako, pumupunta rin ako sa bahay ni Kyle minsan, we go for a drive or stuff like that. So mas naging close ko rin sina Tita and Tito. So, yeah, we have that type of relationship na, both Kyle and I.”

Ayon naman kay Kyline, parang magulang na rin daw ang tingin niya kina Zoren at Mina.

“ I consider them as my Mom and Dad  also. Kasi, sa mga past teleseryes ko po, si tita Mina, naging mommy ko, and si tito Zoren, naging daddy ko naman siya. So, may ganu’n relationship na ako sa kanila.

“And yes, bumibisita nga po ako minsan sa bahay nila Mav. Like there was this one time, nag-overnight kami and siyempre, kinabukasan, makakasama namin sa breakfast si Tita Mina or Tita Zoren,” sey ni Kyline.

Na-appreciate rin daw niya na super marespeto si Mavy sa kanyang parents at kapag lalabas daw sila ay lagi itong nagpapaalam sa mga ito.

Sa nasabing mediacon ay kinumpirma na ni Mavy na nanliligaw nga siya kay Kyline.

vuukle comment

MAUI TAYLOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with