^

Pang Movies

Mother Lily, ‘di nakakalimutan ang Bangkok Santol

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mother Lily, �di nakakalimutan ang Bangkok Santol
Mother Lily.

Nabasa ko ‘yung column ni Cito Beltran sa The Philippine STAR ‘yung tungkol sa dapat ‘pag may ibinigay kang regalo dapat magpapaalala sa iyo sa binigyan mo. Iyon bang hindi isang season lang mare-remember, puwedeng pang-forever.

Gaya ng friend niya na nagbigay ng mga yero na ipinalit sa bubong niya, every time na umuulan at pumapatak sa bubong, naaalala niya na kundi siya binigyan ng yero para gawin ang bubong niya, baka tumutulo ito ngayon. Kaya very thankful siya sa kaibigan sa napaka-practical na regalo sa kanya.

Totoo nga iyon, ‘yung regalo ‘pag lagi mong ginagamit lagi mong naaalala ang nagbigay. At kahit pa nga mura lang ‘yung ibinigay sa iyo pero that time kailangan mo, nagiging unforgettable iyon.

Sabi ko nga, ‘yung piso parang isang milyon ‘pag kailangang-kailangan mo. Pero kahit gaano kamahal ang ibinigay sa iyo pero hindi mo kailangan, parang wasted lang.

Ang hirap magregalo lalo na sa rich friends dahil they have everything, pero nata-touch pa rin sila ‘pag may ibinigay ka na medyo may konek sa kanila. Naaalala ko si Mother Lily Monteverde na laging gustong i-casting noon si Ricky Belmonte dahil ito ang nagregalo sa kanya ng Bangkok Santol na paborito niya that time. ‘Yung konting bagay, that really means a lot. Hindi porke nagregalo ka, appreciated na, dapat may meaning talaga.

Sunud-sunod na lockdown, nakaka-disorient na

Hindi ka pa ba disoriented sa araw at oras, Salve? Tuwing gigising ako akala ko ibang araw, saka parang ang bilis ng oras na umaga pa lang, parang lunchtime na. Sa sobra yatang katutulog at walang magawa, parang dumaraan ang araw nang hindi mo na napapansin.

Mabuti na lang matanda na ako at medyo ok na hindi puno ng activity ang araw, kundi iritable na ako. Kasi kung energetic person ka at sanay na marami kang ginagawa everyday, itong lifestyle na ito will bore you.

Nice lang siya sa ilang araw na parang nagpahinga ka, pero ‘pag one week na, para bang nagtatanong ka na bakit ganito.

Marami ngang puwedeng gawin, maraming puwedeng ayusin, pero ‘yung thought na naka-lockdown ka dahil ECQ parang suffocating.

Para ring isang preso na kahit ano pang sarap ng kinakain mo at wala kang ginagawa, iba pa rin ‘yung malaya ang galaw mo. ‘Yung ‘pag na-bore ka, punta ka sa mall kahit window shopping lang, labas ka at palakad-lakad lang sa Luneta o Greenhills.

Iba pa rin ‘yung alam mo na puwede kang lumabas, kesa doon sa dito ka lang dahil bawal. Hanga na nga ako sa teeners ngayon, buti na lang at mara­ming gadget at games kundi hah hah hysteria tiyak.

 

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with