^

Pang Movies

Sanya bina-bash na dalawa ang major project!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sanya bina-bash na dalawa ang major project!
Sanya

Na-bash ng ilang netizens si Kapuso actress Sanya Lopez, matapos lumabas ang teaser ng upcoming action-packed family drama series na Agimat ng Agila na maghuhudyat sa pagbabalik-telebisyon ni Ramon “Bong” Revilla Jr. sa GMA Network. Comment ng ilang netizens, ‘why Sanya Lopez again, meron pa siyang First Yaya?’ ‘wala na bang ibang leading lady?’

Minsan lang namang mapapanood si Sanya sa Agimat ng Agila, dahil every Saturday lamang ito. Ang First Yaya  ay napapanood naman Monday to Friday evenings, kaya walang conflict ang airing ng kanyang shows. 

Mas nauna rin ibinigay kay Sanya ang action series at nakapag-taping na sila ng ilang episodes bago nagkaroon ng lock-down dahil sa Covid-19, kaya nahinto ang taping nila.  Bumagay naman sa kanya ang role bilang isang yaya sa romantic-comedy series kaya habang hinto ng taping nila ni Bong, nag-lock-in taping naman ito with Gabby Concepcion.

Humanga sina Direk Rico Gutierrez at Bong kay Sanya na napaka-professional at magaling umarte. 

Mapapanood na ang Agimat ng Agila sa Sabado, May 1, 7:15PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

Julie Anne, handang magpaka-mature

Bukas na, April 26, mapapanood ang muling pag-arte ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa kanyang upcoming Kapuso series na Heartful Cafe. Maraming excited na may bagong ka-love team si Julie Anne, si Kapuso hunk actor David Licauco. 

May isang eksena sa teaser ng show na naka-topless lang si David, sasabak na raw ba si Julie Anne sa more mature roles?

“Iba po ang definition ko ng mature role, yung mas may lalim na ang characters and open naman ako to do it, pero iba po iyon  when it comes to daring and pa-sexy roles,” paliwanag ni Julie Anne.  “Para sa akin, dapat pong paghandaan, kasi passionate po ako about everything I do and I make sure I commit to it 100%.  I love singing and acting, kaya I feel like a different person kapag iba-ibang roles ang ibinibigay sa akin. Pero dito po, hayaan muna ninyong magpakilig kami nina David, EA (Guzman) at iba pa naming kasama rito.”

May world premiere ang Heartful Cafe sa GMA-7 at GMA Heart of Asia, at 8:50 PM.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with