^

Pang Movies

Maine, may pa-birthday single

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine, may pa-birthday single
Maine

Happy 25th birthday today, March 3, to Phenomenal Star Maine Mendoza. Kasabay ng pagsi-celebrate ni Maine ng kanyang birthday sa Eat Bulaga, ilo-launch din niya ang bagong single sa Universal Records Ph, ang Lost With You.

Matatandaan na Maine entered the music scene with Imagine You and Me, na siya ang sumulat ng lyrics at music naman by Vic Sotto, na nagsilbing theme song ng first movie nila of the same title, ng ka-love team na si Alden Richards in 2016. Nasundan ito ng debut single niya, ang Parang Kailan Lang, na ni-release ni Maine on her 24th birthday, March 3, 2020.

Nagkaroon ng advanced ‘new normal’ birthday celebration si Maine via Zoom with her fans, family and friends and her Triple A family.

Biktima ng baby switching, idedemanda ang ospital

Akala natin ay sa mga teleserye lamang nangyayari ang baby switching, pero salamat at congratulations sa Kapuso Mo, Jessica Soho, dahil after five weeks na sinundan ng televiewers ang kaso ng baby switching sa GMA magazine show, hosted by Ms. Jessica Soho, nalutas na rin ito at nagkapalitan na ng tunay nilang baby ang mag-asawahang sina Aphril at Marvin Sifiata at Margareth at Kim Jasper Mulleno. Walang pagkilos ang H Vill Hospital in Rizal, kung paano lulutasin ang problema na hindi kanilang anak ang iniuwi ng kanilang parents, kaya ang KMJS na ang nagpa-DNA test sa dalawang bata at sa dalawang ina. Negative pareho ang result ng unang DNA test, ibig sabihin ay hindi nga nila anak ang inaalagaan nila.

Muling dumaan sa cross DNA test sina Aphril at Margareth sa dalawang baby at lumabas na positive. Meaning ang baby na alaga ni Aphril ang tunay na baby ni Margareth and vice versa. Kung pumayag sina Margareth at Kim Jasper na hindi na magdemanda laban sa hospital, sina Aphril at Marvin ay itutuloy daw nila ang demanda.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang kasong ito ang first documented case of baby switching in the Philippines. Kung mapapatunayan daw na nagkamali ang H Vill Hospital, magmumulta sila, at revocation of license, ayon naman sa Regulation Licensing Enforcment Division ng DOH.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with