^

Pang Movies

Unang pagsabak sa teatro ni Marian, mapapanood na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Excited ang mga kaibigan, fan at followers ni Marian Rivera na mapanood ang unang salang niya sa teatro.

Ito ay ang kuwento ng Edipo mula sa Tanghalang Ateneo, ng Role Players at Loyola Film Circle.

Natapos na itong gawin ni Yan. Ngayong February 22, 25 at 27 ito matutunghayan at may English subtitles, huh!

Sa Instagram account ni Marian malalaman ang detalye kung paano makakabili ng tickets at saan mapapanood.

Pinusuan ng netizens ang unang pagsabak ni Marian sa teatro kahit sa ibang platform ito mapapanood.

Romnick, lumabas na ang pang-anim na anak

Isinilang na ang pang-anim na anak ng aktor na si Romnick Sarmenta. But this time, hindi si Harlene Bautista ang ina kundi ang indie actress na si Barbara Ruaro.

Dobleng saya ang nadama ni Romnick dahil isinilang ang bata nitong Valentine’s Day.

Ang kumpirmasyon ng panganganak ni Barbara ay ang pag-repost ni Romnick ng Instagram post ng ina ng bata. Ayon naman sa ina, 24 hours daw siyang nag-labor bago lumabas ang anak.

Lima ang naging anak nina Romnick at Harlene. Si Harlene naman ay nakikitang kasama sa lakaran ang anak ng yumaong si German Moreno, si Federico Moreno.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with