^

Pang Movies

Lovers, nabitin ang date sa sinehan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nabitin naman ang mga lover dahil sa halip na February 14, eh, sa February 15 na ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine gaya ng Metro Manila.

Puwede sanang mag-date sa mga sinehan ang mga lover kung sarado ang mga ilang motel!

‘Yun nga lang, may report na aapela raw ang Metro Manila Mayors sa desisyon ng InterAgency Task Force (IATF) na buksan muli ang sinehan, piling amusement parks, arcades at iba pa.

Dagdag pa sa report walang konsultasyon sa NCR Mayors tungkol dito lalo na’t nandyan pa rin ang COVID-19.

Pero sa totoo lang, may mga bukas nang sinehan sa lugar na under modified general community quarantine, huh!

May foreign at local movies nang ipinalalabas at ipalalabas pa!

Mas masarap pa ring manood sa big screen kaysa sa streaming site, huh!

Khalil nag-birthday blowout sa mga bata

NAGBIGAY ng pagkain, laruan, sling bags, pouches, face masks at face shields ang Kapuso artist na si Khalil Ramos para sa kanyang post-birthday celebration.

Tinanggap ng mga doctor sa PCMC) ang donasyon ni Khalil. Ang giving back ng singer-actor na pinost sa Instagram ni Kapuso Girl.

Aba, may soft spot din pala si Khalil sa mga bata, huh!

Samantala, pinalitan na ang title ng Kapuso series na pagsasamahan nina Khalil at girlfriend na si Gabbi Garcia dahil ito rin ang title ng isang BL (Boy Love) series na nagkaroon ng premiere kamakailan.

Kung hindi kami nagkakamali, magiging I Love You, Stranger na ang title ni Gabbi-Khalil series.

vuukle comment

VALENTINES DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with