^

Pang Movies

Pokwang, pumalag sa pagpapa-car seat ng gobyerno

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pokwang, pumalag sa pagpapa-car seat ng gobyerno
Pokwang

Dagdag na dagok at gastos ng planong magkaroon ng car seat ang mga sasakyan para sa mga batang nakasakay.

Of course, safety ng mga bata ang rason ng ahensiya ng pamahalaan sa proposal. Para sa ibang may batang anak eh, dagdag gastos ‘yun.

Ito ang naging saloobin ni Pokwang na may batang anak. “Jusko naman isa isa lang po…mahina kalaban!!! Car seat naman ngayon? Ano pa ang iniisip nyo pang pabigat sa mahihirap? Ano pa po?

“Pwede po ba ‘yung pandemic muna at vaccine ang unahin? God huwag mo kaming pabayaan,” isa sa tweets ni Pokie.

Mahal din ang car seat, huh!

Baguhang Kapuso star, bibida sa MPK

Jackpot ang baguhang si Royce Cabrera dahil siya ang bibida sa episode ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman sa kuwento ng Masahista For Hire. Produkto ng indie films si Royce at ang #MPK ang biggest assignment niya sa GMA bilang Kapuso artist.

Matapang sa mga maseselang eksena si Royce. Eh wala naman siyang pakialam sa mga daring scene sa fresh episode ng #MPK.

Mabigat ang makakatapat ni Royce na aktor sa kalabang drama anthology pero kampante ang una na pasado sa co-stars at director niya ang performance niya at pagiging matapang sa maiinit na eksena!

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with