^

Pang Movies

Coco hindi pa rin masyadong nagpaparamdam!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Marami ang nakakapansin na bihira nang makita si Coco Martin magmula nang mawala sa free TV ang ABS-CBN. Sa Probinsyano na lang siya napapanood na umeere sa mga social media platforms ng Kapamilya network at sa A2Z na mahina naman ang signal sa probinsiya.

Kahit ang endorsements ng actor, napapansin din nilang nabawasan na.

Kelan nga ba babalik sa free TV ang ABS-CBN?

Sayang kung wawakasan ang serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano nang hindi napapanood ng mga tagahanga sa free TV.

Napakaganda ng istorya, sana naman ay hindi ganun ang kahantungan ng serye dahil talagang maraming fans ang malungkot sa pangyayari.

Emma Cordero tuloy ang raket sa Japan

Sa panahong umaatake ang CO­VID-19, mahirap ang naging katayuan ng mga artista sa showbiz. Matira ang matibay ang labanan. Binago nga ng  COVID ang dating kaugaliang puwedeng magmalaki ang isang artista sa producers. Hindi na puwede ang ganung style ngayon. Madali nang palitan ang isang artista kapag umayaw at hindi na rin sila puwedeng magpresyo dahil hahanap kaagad ng afford nilang presyo ang producers. Bihira na ring magka-project ang ilang showbiz personalities sa puntong ito kaya hindi na puwede ang mag-demand.

Humahanga naman kami sa singer na si Emma Cordero na gumagawa ng pangalan sa bansang Japan. Hindi aakalaing si Emma na lang ang natitirang lumalaban sa grupo ng kanyang mga kasamahan. Meron din siyang resto bar dito sa Pasay City. Kuwento nga ni Emma, lakas ng loob at dasal ang kanyang sandata para labanan ang sitwasyong nagaganap sa kasalukuyan.

Sheryl, makamandag pa

Pinatunayan ni Sheryl Cruz na may kamandag pa ang kanyang beauty sa serye ng Kapuso na Magkaagaw.

Imagine, aakalain bang ang bagets na si Jeric Gonzales ay mahuhumaling sa kanyang kagandahan?

Mga pulitikong unang magpapabakuna, inaabangan

Sa totoo lang, sinong pulitiko kaya ang mauunang magpaturok ng bakuna pagdating ng mga ito sa buwan ng Pebrero?

‘Yung totoo lang po sana ang sagot matapos ang nangyari sa Dengvaxia. Palagay n’yo, may magpapabakuna pa kaya kahit pulos COVID at bakuna ang topic sa radio at TV mula umaga hanggang hatinggabi? Wala na bang ibang puwedeng mapag-usapang topic? Kawawa naman ang mga tagapakinig.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with