^

Pang Movies

Sandara wala pa rin sa isip ang lalaki

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Korean star Sandara `Dara’ Park is turning 36 sa darating na November 12 pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin ito pagdating sa kanyang lovelife.

Nag-asawa at may isa nang anak ang kanyang ex-Filipino boyfriend na si Joseph Bitangcol. Ang misis nito ay si Francheska Tonson na kanyang pinakasalan nung 2016. May isa naman silang anak, si Emmanuel Sky Bitangol.

Pero ang nakakatuwa kay Dara ay hindi ito nakakalimot sa kanyang pinagmulan at mga kaibigan sa Pilipinas.

Ang ABS-CBN ang unang nagbigay ng malaking break kay Dara matapos itong sumali sa Star Circle Quest ng Kapamilya Network. Naging ka-loveteam niya noon si Hero Angeles.  Pero in 2007 ay muling bumalik ng South Korea si Dara with her family at doon ay lalong umalagwa ang career ng dalaga lalo na nang siya’y maging bahagi ng K-Pop all-female group na 2NE1.

Samantala, masaya namang ibinalita ni Dara sa kanyang Instagram account ang patanggap niya ng Gold Play Button award para sa kanyang personal YouTube Channel, ang “Dara TV” na kanyang sinimulan in 2017 matapos siyang magkaroon ng 1 million subscribers..

Angeline, iba na ang magiging pasko

Tiyak na magiging malungkot ang darating na ika-31st birthday ng singer-actress at recording artist na si Angeline Quinto sa darating na November 26 dahil hindi na niya makakasama ang kanyang adoptive mom na si Sylvia `Mama Bob’ Quinto na siyang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

Ang Mama Bob ni Angeline ay binawian ng buhay kahapon ng umaga, November 7.

Buhay pa pareho ang biological parents ni Angeline na sina Pop Quiros at Rosemarie Susan Mabao. Pero ipinagbubuntis pa lamang noon si Angeline ng kanyang biological mother ay gusto na siyang ipa-abort dahil hindi umano nito makakayanang palakihin ang bata dahil sa kanya diumanong abusive husband. Nang malaman ito ng tiyahin ng ama ni Angeline na si Bob ay pinakiusapan niya si Rosemarie na huwag ipalaglag ang bata at siya na lamang daw ang magpapalaki rito na siya ngang nangyari. Kaya lumaki si Angeline na si Mama Bob ang kanyang kinagisnang ina. Pero nung 2012 when Angeline was 23 ay nakilala ng singer-actress ang kanyang biological mother habang may contact naman si Angeline sa kanyang biological father na may iba nang pamilya.

Mag-isang iginapang ni Mama Bob, (Angeline’s paternal grandmother) si Angeline and treated her just like her own.

Sa simula’t sapul ay sobrang mahal na mahal ni Angeline si Mama Bob na nakaranas din ng kaluwagan sa buhay nang magtagumpay ang singer-actress sa kanyang career. Madalas ding si Mama Bob ang kasa-kasama ni Angeline sa kanyang shows here and abroad.

Bukod sa kanyang nalalapit na kaarawan, tiyak na maiiba na rin ang kanyang unang Christmas celebration na hindi niya kasama ang kinagisnang ina.

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with