Ogie, Regine
Fans ni Regine tuloy ang pang-aapi kay Ogie
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

Nakakaawa si Ogie Alcasid sa ibang fans ni Regine Velasquez na inerereklamo ang pagsama kay Ogie sa photo ni Regine sa hallway ng ABS-CBN.

Tanong ng isang fan ni Songbird, “bakit kailangan magkasama silang dalawa bukod sa mag-asawa sila??? Hindi sila magka level at sino si Ogie sa isang Regine Velasquez? Pwede nyo tong palitan. ASAP.”

May nag-comment pa ng “Regine deserves a SOLO photo! SOLO, meaning, walang kasama!” Comment pa ng isang fan ni Regine, “REGINE VELASQUEZ is an ICON, a SUPERSTAR.

May napa-comment tuloy na natatawa siya sa fans ni Regine na hindi na lang magpasalamat na nagkaroon ng picture sa hallway ng Kapamilya Network si Regine kahit bago pa lang siya sa network.

Ano ba mga beshies?

Samantala, sold out ang tickets sa Unified concert nina Regine at Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum sa February 14 and 15. Kahit two-night na ang concert, hindi pa rin sapat para sa kanilang fans.

Si Ogie naman, may two-night concert sila ni Ian Veneracion sa March 20 and 21 sa New Frontier Theater billed Kilabottito na baka mabago pa ang title.

Xian at Cristine iniba ni Direk Sigrid sa Untrue

Sinulat ni direk Sigrid Andrea Bernardo ang script ng Viva Films movie na Untrue na ang alam niya, si Claudine Barretto ang lead actress. Nang hindi matuloy si Claudine at ibigay kay Cristine Reyes, kinailangan niyang i-adjust ang script at ibagay kay Cristine.

Inamin ni direk Sigrid na nalungkot siya nang hindi matuloy si Claudine na excited nang magkita sila, pero naniniwala si direk Sigrid na may next time pa naman. “I want to work with her in the future,” sabi nito.

With Cristine and Xian Lim as the lead character of the movie, may sinabi si direk Sigrid: “Pumayag ako na sila ang artista ko, but I have conditions na dapat sundin. Xian has to gain weight at magpatubo ng stubble. Cristine has to crop her hair at i-dye ng red ang hair dahil ayoko ng wig. I’m very satisfied with them. Pasado sila at sobra silang nag-evolve as actors. Hindi ko sila nakita as Xian and Cristine.”

Sa February 19, ang showing ng Untrue at may special advance screening sa UP Cine Adarna ngayon, 8pm. Si direk Sigrid na rin ang nagsabing tungkol sa mental illness ang nabanggit na pelikula.

Janine todo rampa sa NYFW

Nasa New York si Janine Gutierrez para sa New York Fashion Week at bongga ang Kapuso actress dahil isa sa looks niya ang na-feature sa New York Post’s Best Street Style. Hindi namin alam ang tawag sa suot niya na parang jacket ng Louis Vuitton, pero kahit naman ano ang isuot ni Janine bumabagay sa kanya.

Ang daming dumalo sa NYFW, hindi sila natakot sa nCoV at puno pa nga sa fashion show ni Carolina Herrera. Nagkita rin sina Janine at Pia Wurtzbach na nasa New York din ngayon.

Pag-uwi ni Janine, hindi na maingay ang isyu sa mom niyang si Lotlot de Leon at lola niyang si Pilita Corrales. Sana nga, mamatay na ang isyu.

OGIE ALCASID REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with