^
Chambe ni Alex nakatsamba sa PMPC
Alex

Chambe ni Alex nakatsamba sa PMPC

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 29, 2020 - 12:00am

Nagbubunyi ang fans ni Alex Gonzaga sa pagkapanalo ng kanyang single na Chambe bilang Dance Recording of the Year 2019 sa matagumpay na PMPC (Philippine Movie Press Club) Music Awards.

Binalikan ng fans ang pakikinig sa nasabing kanta na magpahanggang ngayon ay LSS pa rin sila.

Good vibes ang hatid ng song na tungkol sa pamangkin niyang si Sevé sa Ate niyang si Toni Gonzaga.

Sigurado kami na kapag lumaki na si Sevé at marunong nang makaintindi, matatawa siya pero proud pa rin sa kanyang Tita Alex.

Hindi lang ang mga Pinoy ang nakaka-appreciate sa Chambe kung hindi pati na rin ang ilang fans niya mula sa Combodia, Texas at Korea.

Samantala, mukhang nalalapit na ang kasal ni Alex sa fiancé niyang councilor ng Lipa, Batangas na si Mikee Morada matapos ang kanilang engagement, kaya naman todo na sila sa paghahanda. Kamakailan nga lang ay sinamahan siya ng kanyang Ate Toni sa ibang bansa para maghanap ng wedding gown, at mukhang may nahanap na sila.

Excited ang kanyang fans dahil sa wakas ay pagkatapos ng kasal, tiyak na magkakaroon na ng kalaro si Sevé.

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with