^

Punto Mo

EDITORYAL - Hustisya sa student na biktima ng hazing

Pang-masa
EDITORYAL - Hustisya sa student na biktima ng hazing

INAMYENDAHAN ang Anti-Hazing Law (Republic Act 11053) noong 2018 at pinabigat ang mga parusa sa mga magsasagawa nito sa miyembro ng fraternity subalit sa kabila niyan patuloy pa rin ang pagpapahirap na nauuwi sa kamatayan. Tila wala nang kinatatakutan ang mga miyembro ng fraternity at nagiging “laruan” na lamang ang pag-hazing sa mga neophyte.

Noong Linggo (Setyembre 29), isa na namang miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ang namatay sa kamay ng kanyang mga ka-“brod”. Si Ren Joseph Bayan, 18, estudyante ng San Pablo National High School sa Jaen, Nueva Ecija ay namatay dahil sa matinding pahirap nang maraming miyembro ng Tau Gamma.

Ayon sa Jaen Municipal Police Station, inireport ng tiyahin ng biktima ang nangyari sa pamangkin dakong 10:20 ng gabi noong Linggo na namatay umano ito sa hazing. Bago iyon, sinabi ng tiyahin na umaga ng Linggo ay nagpaalam si Ren Joseph na isasailalim siya sa final hazing. Nang mag-alas singko ng hapon ng araw ding iyon, dinala ng mga suspek sa kanilang bahay ang patay na pamangkin. Marami itong pasa sa likod, hita at may mga kurot sa magkabilang pisngi. Isinagawa ang autopsy sa bangkay. Hinahanap na ng mga pulis sina Baron Cabado at Patrick Guinto, mga miyembro ng Tau-Gamma Phi na sangkot sa hazing. Kamakalawa, isang suspect na ang sumuko sa pulisya.

Kabilang na si Ren Joseph sa mga namatay dahil sa hazing. Noong nakaraang Pebrero 18, 2023, namatay ang Adamson University student na si John Matthew Salilig, miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity dahil sa dami ng palo sa katawan mula sa mga ka-frat. Inilibing siya sa isang masukal na lugar sa Imus, Cavite.

Noong Marso 2022, namatay din sa hazing ang 18-anyos na si Reymart Madraso, 18, estudyante, taga-Kalayaan, Laguna. Mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ang nasa likod ng hazing.

Noong Pebrero 2021, namatay din ang 23-anyos na Criminology student na si Omer Despabiladera ng Solis Institue of Technology sa Bulan, Sorsogon. Namatay si Despabiladera dahil sa matinding pahirap ng mga miyembro ng Tau Gamma Fraternity.

Noong 2019, namatay si Cadet 3rd Class George Carl Magsayo ng Philippine National Police ­Academy (PNPA) nang suntukin sa sikmura ng Cadet 2nd Class. 

Noong Setyembre 2017, namatay ang UST law student na si Horacio ‘‘Atio” Castillo sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity. Noong Martes, hinatulan ang 10 fratmen ng reclusion perpetua dahil sa pagpatay kay Castillo.

Hustisya ang sigaw ng mga magulang ni Ren Joseph. Dapat panagutin ang mga “uhaw sa dugo” na miyembro ng Tau Gamma. Ipalasap sa kanila ang mabigat na parusa!

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with