^

Yeng nagka-award kahit walang acting workshop

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 4, 2020 - 12:00am

Nagbubunyi pa rin ang fans ni Yeng Cons­tantino sa pagkapanalo nito bilang Best Supporting Actress at Best Original Song para sa pelikulang Write About Love na isa sa walong entry sa Metro Manila Film Festival.

Bale ba si Yeng din ang kumanta ng official sound track na Ikaw Ang Akin ng kanilang pelikula kaya two birds in bullet ang napanalunan ni Yeng.

Ito rin ang unang panalo ni Yeng sa movie acting. Napatunayan na hindi lang isa sa pinakamaga­ling na singer/songwriter si Yeng, kundi pinatunayan nitong maga­ling din siyang artista. 

Wala rin duda ang pagkapanalo ng kanta bilang Best Original Song na ang sarap pakinggan dahil dama ang puso at emosyon niya sa naturang kanta.

Samantala, kamakailan lang ay dinipensahan ng Write About Love director na si Crisanto Aquino ang pagkakapanalo ni Yeng ng acting award. Marami-rami kasi ang nagre-react tungkol dito.

Ayon kay Direk ay nagulat nga raw siya sa galing ni Yeng na partida, hindi sumailalim sa workshop.

YENG CONS­TANTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with