^

Pang Movies

ABS-CBN station id halos isang oras

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang ganda-ganda ng pagkakagawa ng ABS-CBN Station ID na almost one hour na pinalalabas sa screen na kung saan lahat halos ng artista ng nasabing network ay makikita mong umaawit. Kaya hindi natin masisisi kung mayroong nagsisintimyento na hindi napabilang sa said station ID. Isa na si Jed Madela na hindi man lang daw naabisuhan, ganoong mainstay siya ng network at lahat halos ng show ay kasama siya gaya ng Sunday noontime show na ASAP at naging mentor din siya sa programang Your Face Sounds Familiar.

Anyway, marami pa naman Pasko na darating. Bawi nalang siya next year!

Merry Christmas sa ating lahat!

Maraming salamat po!

Talaga namang lagi kaming nakatatanggap ng surprises, Pasko man o hindi! God is good, pray ka lang kung mayroong problema or kailangan, basta’t wag kang bibitiw sa Panginoon. Thank you, Lord! Nairaos ko po ang eye treatment ko.

Maraming salamat sa Child Haus at sa PGH, kay Mother Ricky Reyes, Madam Daydee Castillo, kay Ruth Garcia na siyang confidante ni Beth Bautista na nag-send ng gagamitin kong pang-gastos sa ospital, at sa lahat ng mga tumulong sa’kin sa laser treatment ko for cataract. Dati kong alaga si Beth, Betcha, o Bote noong aktibo pa siya sa showbiz at isa sa movie niya ay ang Hindi Sa Iyo Ang Mundo, Baby Porcuna na kung saan nanalo siyang Best Actress sa Urian Star Awards. My prayers for you Betcha, Ruth, Gelo, Barok, Susan, Mommy Bautista, and family. And para po roon sa mga nagtatanong at nangungumusta, dahil nga halos kalahating taon akong pabalik-balik sa ospital, nitong nakaraang Nov. 25 lang kami na-discharge at nasa Santa Rosa na po ako ulit at nagpapagaling. A really heartfelt thanks! Pagpalain po kayo ng Panginoong Diyos!

Ginanap naman last December 11, 2019, 5:00 PM ang Kapamilya Christmas Party for the Entertainment press. Thank you for inviting us! Merry Christmas! Forever Kapamilya? Oo naman!

Salamat din kina Allan Diones, Ogie Diaz, Madam Salve Asis, Mae, Debbie at iba pang nag-give ng datung! A million thanks! Kaya naman ako’y sa inyo.

Vice, napalitan ang pagiging generous

Maraming napapaligaya si Vice Ganda sa kanyang noontime show na It’s Showtime. May maagang Chrismas gift para sa mga audience na mabubunot. At take note, puro motorsiklo na pangkabuhayan. Mga pinagpala ng Diyos! Both sa winner and syempre kay Vice.

Kaya naman ‘di kami magulat nang duma­ting na ang nagpapasaya at nagbibigay kulay sa kanyang buhay si Ion Perez.

Mabuhay ka, Vice Ganda! Stay as sweet as you are! You deserve to be happy! Don’t ever change!

God bless you! Merry Christmas sa lahat ng madlang people!

Condolences…

Nakikiramay po ako and my family sa mga naulila ni Inay Rosing Celi Villareal ng Bolinao, Pangasinan. To a good friend of mine & a top journalist-host na si Boy Abunda na pumanaw ang mahal na ina na si Nanay Lesing. To Boy A. at mga naulilang kamag-anak, nakikiramay po kami. May Inay Rosing and Nanay Lesing rest in peace. And to Vero Samio, isa sa pillars ng Phi­lippine Movie Press Club (PMPC), sa kanya ako pinaka-na-shocked at parang hindi ko matanggap. Nakikiramay po kami sa mga naulila niya, ang asawang si Jun Samio, mga anak na sina Tonton, Dennis, Dr. Liza, at iba pang kaanak. Vero, may eternal rest grant unto you.

vuukle comment

ABS-CBN STATION ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with