^

Pang Movies

Aga nawala ang ‘formula’ sa pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Aga nawala ang �formula� sa pelikula
Aga, Alice

Kung ikukuwento lang sa amin, hindi kami maniniwala. Pero ngayon lang namin naranasan iyong masabihan matapos na bumili ng ticket sa sine na “kung wala hong ibang manonood kahit na dalawa pa, ire-refund na lang namin ang pera niyo.”

Para masiguro naming tuloy ang screening at hindi kami maghihintay sa wala, nagbayad kami ng tatlong tickets.

Hindi kami makapaniwala na mangyayari ang ganoon. Isipin ninyo, ang bida sa pelikula ay si Aga Muhlach, at hindi maikakaila ang katotohanan na iyang si Aga ay isa sa pinakasikat na artista natin hanggang ngayon. Kinikilalang isang influential product endorser kaya ang daming commercials.

May panahon na natakpan ng popularidad ni Aga maging sina Nora Aunor at Vilma Santos. Bakit ganyan?

Pinanood namin ang pelikula. Sa kabutihang palad, bago nagsimula ang pelikula ay may pumasok na apat na iba pang tao. Sa tingin namin, okay naman iyong pelikula eh. Kaya lang iyong mga ganoong tema ng pelikula ay hindi pa talaga tanggap ng Pinoy audience. Magaling ang acting ni Aga. Hahanga ka lalo sa kanya.

Kung kami ang tatanungin, facial expressions pa lang tapos na sila kay Aga. Pero iyon nga iilan lang ang nanood.

Matagal naming inisip pagkatapos na mapanood ang pelikula kung ano ang problema. Isa lang ang nakita naming problema, nawala si Aga sa kanyang “formula”.

Natatandaan namin, noong araw may ginawa ring pelikula si Aga na ang role niya ay isang serial killer, kasama sina Boyet de Leon, at Chin Chin Gutierrez. Maganda ang promo ng pelikulang iyon kasi noon hindi pa naman nagkukuripot ang mga producers sa promo at advertising ng kanilang mga pelikula. Pero mahina rin sa takilya ang pelikulang iyon. Bakit? Kasi ayaw ng mga tao na makita si Aga sa isang role ng dark character. Hindi natin maikakaila na hanggang ngayon, sabihin mo mang singkuwenta na ang edad ni Aga, ang hinahanap pa rin sa kanya ng mga tao iyong medyo “happy outlook”. Kailangan wholesome siya. Doon siya nagustuhan ng publiko.

Bilang isang artist, natural lang naman para kay Aga na maghanap ng pagkakataong gumawa ng ibang klaseng roles, para patunayan ang kanyang versatility. Pero sa totoo lang, malaking sugal iyon dahil hanggang ngayon hindi pa nagbabago ang image ni Aga sa publiko.

Bakit mas kumita ang mga pelikula niyang comedy kahit na walang kuwenta? Bakit mas kumikita ang mga pelikula niyang ang kuwento ay mga gasgas nang love story? Kasi doon nila sa mga roles na iyon mas hinahangaan si Aga. Doon sa roles na iyon nabubuo ang kanilang ilusyon.

“Hindi makatotohanan iyan,” sinasabi ng mga baguhang director ng pelikula. Pero hindi pa ba sila natuto sa nangyari sa iba? Kumita ba ang mga “neo-realist” films noon sa Italya? May hits ba sina Fellini at Visconti sa takilya? Hindi ba ang industriya nila ay lumaki sa tinatawag na “spaghetti westerns”.

May naging malaking hit na ang director na si Akira Kurosawa? Hindi ba ang bumuhay sa industriya ng pelikula sa Japan ay ang kanilang mga action movies na sinasabing walang kawawaan?

Dito sa atin, ilang indie na ba ang naging malaking hit? Dito sa atin, iyang indie “indi” pinapanood. “Indi” rin binabasa kaya “indi” rin namin sinusulat. Tanggapin na natin ang katotohanang iyan. Hindi pa tayo makakawala sa formula movies. Kahit na U.S. hindi pa rin tapos doon. Kung gusto nating mabuhay ang ating industriya, iwasan na muna natin iyang “todo ambisyon” ng mga director nating sumali at manalo sa mga film festivals sa abroad. After all sinasabi nga ng isa sa mga henyong producers na si Dona Sisang, “makakain ba ninyo iyang mga awards na iyan”. Ang pelikula ay industriya at kailangang kumita.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with