^

Pang Movies

Regine natutuwang ‘di muna tuloy ang comedy show nila ni Ogie

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Regine natutuwang �di muna tuloy ang comedy show nila ni Ogie

Okay na okay lang kay Regine Velasquez kung hindi muna matutuloy ang sitcom na pagsasamahan nila ng asawang si Ogie Alcasid sa ABS-CBN and on the contrary, medyo pabor pa nga sa kanya dahil ang dami rin daw niyang ginagawa ngayon.

Bukod sa Iconic concert nila ni Sharon Cuneta na gaganapin sa Oct. 18 and 19 sa Araneta Coliseum, sey ni Regine, until next year nga raw ay may mga naka-schedule na silang commitments ni Ogie.

“Both my husband and I, feeling ko, hindi namin kayang gawin ngayong time na ‘to pa, kasi kahit next year kasi, may mga tour, puro concerts though,” she said

Bukod dito ay tumanggap din si Songbird ng pelikula, ang Yours Truly, Shirley na ginawa raw niya for two weeks.

“I’ve been very, very busy, ang dami kong raket, so ayaw din naming kulitin ang ABS-CBN. I think, they’re still fixing it. I think, them, ang ano nila is they don’t wanna come out with something na medyo hindi sila sure. Kung medyo parang feeling nila, medyo hindi talaga ‘to papatok, then they’re not gonna do it, and it’s fine with me.

“Kasi, siyempre, gusto mo naman, when you come up with something, sigurado. Eh naniniwala ako sa kanila, eh,” sey pa ni Songbird.

When asked kung okay ba sa kanya ang mag-guest sa teleserye, aniya ay gusto naman daw niyang mag-guest din sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Gagawa rin daw sana siya for Maaalala Mo Kaya pero siguro raw ay naghahanap pa rin ng magandang materyal.

“I do miss acting, that’s why I actually did Yours Truly, Shirley, kasi gusto ko munang i-try ulit. Pero nakakapanibago. Ganu’n pala ‘yun after years of not doing anything, pati ‘yung soap ko medyo matagal na, sa kabila (GMA 7) pa ‘yun, nanibago ako.

“Pero it’s like riding a bicycle also because after a while, you get used to it and you get to enjoy it na.

“Pero at the beginning, medyo na-stress ako, parang I wanted to back out na, parang ayoko nang gawin, parang na-stress ako,” kwento ni Regine sa experience niya sa pagbabalik sa pag-arte.

Naitawid naman daw niya at sa first shooting day lang naman daw siya kinabahan.

Alexa laging masungit ang first impression

Si Alexa Ilacad at Charles Kieron (CK) ang bibida ngayong Sabado (Oct.12) sa Ipaglaban Mo sa episode titled Iskolar. Hindi ito ang unang pagkakataon na magkatrabaho ang dalawang Kapamilya stars dahil magkasama sila ngayon sa The Killer Bride though hindi nga lang sila ang magkapareha sa nasabing serye.

This time, sa Ipaglaban Mo ay story nilang dalawa mismo at ayon nga kay ­Alexa, noong una raw ay hindi pa niya alam na si CK ang kanyang makakasama.

“Nalaman ko kasi, nagte-taping na ako, sabi ko, ‘sino ‘yung guy?’ Tapos sabi nila, wala pa. ‘Yun pala si CK. Natuwa ako, sabi ko, at least mas kumportable kasi kilala ko na. Kung baga, familiar na siya, so hindi na ganu’n kahirap mag-adjust, lalo na may pakilig nang konti,” sabi ni Alexa sa panayam sa Kapamilya Chat online ng ABS-CBN.

Nang matanong naman si CK kung ano ang first impression niya kay Alexa, diretsong sagot ng aktor, “masungit.”

Hindi naman napikon si Alexa at parang ine-expect na niya ito.

“Lahat naman, never pa akong nakarinig na first impression (sa akin) na mabait. Kasi wala, eh, ganu’n talaga,” sabi ni Alexa. Pero sey naman ni CK, nang makilala na niya si Alexa, sobrang bait daw naman pala.

Mula sa direksyon ni Myla Ajero Gaite, kasama rin sa Iskolar episode ng IM sina Franco Laurel, Vangie Labalan, Ronnie Quizon at Victor Medina.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with