^

Pang Movies

Jean first time nag-action

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Jean first time nag-action
Jean Garcia

Buong buhay ni Jean Garcia ay sa drama at pagkokontrabida lamang siya sumasabak, hanggang sa mabigyan siya ng pagkakataong magpakita ng galing sa genre na hindi niya forte, ang action.

Sa entry niya sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, bida si Jean sa pelikulang Watch Me Kill kung saan kasama rin niya ang aktor na si Jay Manalo. Spy/assassinator ang kanyang role, ibig sabihin humahawak siya ng baril o kutsilyo para pumatay.

Sa una raw ay nahirapan siya dahil hindi naman daw siya sanay na humawak ng baril, pero kalaunan ay nagamay niya na ito. Naranasan niya ring magsuot ng iisang damit lamang sa mahabang shooting.

Hindi maikakailang magaling nga si Jean kahit saan mo ilagay, hindi siya nagpahuli sa mga bagong female action star na sina Anne Curtis, Cristine Reyes at Erich Gonzales na gumawa ng ingay sa mga pelikulang aksyon noong nakaraang taon.

Michael naiwan nina Bugoy at Daryl

Bakit kaya guest lamang si Michael Pangilinan sa concert ng dalawa niyang best friend na sina Bugoy Drilon at Daryl Ong? Magandang tulong sana ang concert na magaganap sa Resorts World Manila para mas umangat pa ang trio nila na pinag-uusapan na ng marami ngayon dahilan sa ganda ng kanilang blending. 

Hindi naman kaya hindi kaya ng Resorts World ang TF nilang tatlo?

Asawa ni George Cariño, artista na rin!

Artista na rin pala ang maybahay ng broadcaster na si George Cariño.

May mahalaga itong role sa episode ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya (MMK) bilang ina ng dalawa niyang anak.

Aware si Daisy Cariño na mga magagaling na artista lamang ang kinukuha sa MMK kaya pressured siya. Ganunpaman, gusto naman niya na maulit ang experience sa nasabing palabas.

Ellen sa anak na lang dapat mag-focus

Kung totoo mang naghiwalay na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, tama lamang na sa halip na magmukmok si Ellen ay igugol na lang niya ang panahon sa kanilang anak na si Elias Modesto.

Isang full time na trabaho ang pagiging nanay at sigurado namang susuportahan ng aktor ang anak nila.

JEAN GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with