^

Pang Movies

James mas masaya sa bakasyon

Vir Gonzales - Pang-masa
James mas masaya sa bakasyon
James Reid

MANILA, Philippines — Kamakailan lang ay sumabog ang balitang si James Reid daw ay wala na sa pangangalaga ng Viva Artist Agency at ang tatay niya na ngayon ang siyang nagma-manage ng kanyang career. Kasabay ng balitang ito ang mga naglabasang reklamo sa ugali ng aktor. Lumaki na raw ang ulo nito at namimili na ng projects.

May isang insidente pa nga raw na may gagawin sana itong pelikula kay Direk Joel Lamangan kasama sina Lovi Poe at Tony Labrusca dahil siya talaga ang first choice, pero hindi raw ito sumipot sa mismong storycon, kaya naman si Marco Gumabao na ang nakikinabang ngayon ng kanyang iniwan.

Imagine? Batikang direktor na si Direk Joel pero nagawa niyang indyanin ng ganon lang? Pero anong malay natin sa kanyang dahilan. Nakapagtatakang ngayon lang ito lumabas, samantalang noong sikat na sikat siya ay walang mga pangit na balitang maririnig tungkol sa kanya at sa girlfriend niyang si Nadine Lustre.

Ganunpaman, sa kabila ng mga isyung naglalabasan, kahit isa ay walang sinagot o kinumpirma si James. Nanatili lamang siyang tahimik.

Sa ngayon, mukhang nasa bakasyon sila ni Nadine. Pinili niya muna sigurong magpahinga bago humarap sa mga kontrobersiya.

  Rita may ilo-launch na namang libro na pambata

Sa September 13 gaganapin ang book signing ng magaling na aktres na si Rita Avila, from 5 to 7PM sa SMX Convention Center sa Mall Of Asia.

Pang-anim niya na raw itong libro. Part 4 daw ng The Invisible Wings na coloring book.

Tuwang-tuwa ang aktres dahil maraming bata siyang napapasaya sa pamamagitan ng kanyang mga sinusulat na libro.

Noong minsang dumalo kami sa book signing niya, puro mga nanay na kasama ang mga anak ang makikita mo roon habang namimili ng libro.

Katuwang ni Rita ang director husband niyang si F.M. Reyes sa pag-i-entertain sa mga bumibilli. Nakakapagod daw pero masaya.

Samantala, sa September 7 naman ay mapapanood si Rita sa Ipaglaban Mo, gaganap siya bilang nanay ni Kisses Delavin.

Malapit na ang birthday niya kaya gusto niyang bigyang pansin muna ang ginawa niyang libro.

Isa rin sa mga katuwang niya rito ang anak-anakan niyang si Marian Rivera na every year ay tumutulong at dumadalo sa kanyang book signing.

Amalia Fuentes sinugod sa hospital, sakit pabalik-balik

Hindi gaanong happy ang Amalians, mga avid follower ng dating movie queen na si Amalia Fuentes. Masaya sana kasi silang magse-celebrate ng birthday nito noong August 27, pero a day before, dinala na naman daw ang aktres sa hospital dahil medyo sumama na naman ang pakiramdam. Sa kabutihang palad ay medyo okay na raw ito ngayon.

Pinoy sawa na sa drama

Sa mga pelikulang pinapalabas ngayon na puro mas matatanda na ang ipinaparehang babae sa mga batang aktor, matutumbok mo na agad kung ano ang gusto ng mga Pinoy.

Sawa na sila sa mga masyadong madadramang pelikula. Ang gusto na nila ngayon ay puro may mga love scene, katulad na lang ng pelikula nina Marco Gumabao at Anne Curtis na Just A Stranger na kung saan grabe diumano ang ginawa nilang pagtitikiman. May bonus pang butt exposure si Marco, kaya naman ang mga beki at matrona ay talaga namang pinaglawayan siya.

Hindi rin nagpahuli si Kit Thompson sa pagbubuyangyang ng katawan. Sinulit niya talaga si Mylene Dizon sa pelikula nilang Belle Douleur at pati na ang tambalan nina Enzo Pineda at Sunshine Cruz sa pelikulang Malamaya.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to August celebrants:

Phillip Salvador, Pilita Corales, Senate President Tito Sotto, Gus Abelgas, Baeby Baste, Former Senator Eddie Ilarde at Encar Benedicto.                                                                                                                                                    

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with