^

Pang Movies

Lexi may crush sa kapwa hopeful

Joe Barrameda - Pang-masa
Lexi may crush sa kapwa hopeful
Lexi Gonzales

MANILA, Philippines — Wala talagang pinapalampas na intriga ang Starstruck Insider na si Kyline Alcantara. May isa na naman kasing sikretong nabunyag mula sa Final 8 hopefuls.

Inamin na kasi ni Lexi Gonzales na may nade-develop na siyang feelings para sa kapwa hopeful na si Radson Flores. Nabuking siya dahil sa pagiging concerned masyado kay Radson nang mapagalitan ito ni Direk Gina Alajar sa kanilang huling artista test.

Kuwento ng dalaga, pinayuhan niya ang kanyang crush tungkol dito, “Sabi ko po, okay lang ‘yun, normal lang ‘yun, cool naman siya, in-absorb naman niya ‘yung mga sinabi ni Direk Gina, tatandaan niya.”
Samantala, abangan ang pagsabak ng Final 8 hopefuls sa maaksyong challenge ngayong weekend kasama ang batikang aktres na si Jean Garcia sa StarStruck Season 7 on GMA.

Beautiful… puno ng drama at action

Inaasahang puno ng drama at aksyon ang upcoming Kapuso series na Beautiful Justice matapos sumailalim ang cast na sina Bea Binene, Gil Cuerva, at Valeen Montenegro sa intense gun training kasama ang co-star na si Victor Neri sa Stronghand Shooting Range sa Quezon City.

Dito, in-orient ang tatlo sa tamang pag-hawak ng baril at kung paano makaka-shoot ng maayos. Sa mga ibinahagi nilang larawan, kitang-kita na focused ang mga Kapuso stars sa kanilang training session para magampanan ng tama ang kanilang mga roles at maging makatotohanan ang istorya ng show. Bukod kila Bea, Gil at Valeen, pasok din sa cast sina Yasmien Kurdi, Derrick Monasterio at Bing Loyzaga sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.                                                      

vuukle comment

LEXI GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with