^

Pang Movies

EB eere sa myanmar

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakakaiyak ang segment ng Eat Bulaga kahapon kung saan lumabas ang mga napi­ling EB Best Scholars mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Graduate na ang ilan sa kanila at nagtatrabaho na. Ang nakakatuwa, halos karamihan sa kanila ay nagtapos na may honors at nag-top pa sa licensure exam sa kursong kinuha.

Sa pagdiriwang ng 40th year ng Bulaga, mamimili uli sila ng deserving students para gawin nilang scholars and this time, 40 na mag-aaral ang kanilang pipiliin as of presstime.

Bukod sa bagong scholars, magkakaroon na rin ang Eat Bulaga ng franchise sa Asian country na Myanmar, after ng naunang Indonesia franchise.

Anne kinainggitan ang pagiging close kay Park Bo Gum!

Super inggit ang fans ni Anne Curtis sa kanilang idolo dahil sa reply sa Twitter ng Korean actor na si Park Bo Gum matapos itong i-tag ni Anne. Nagkataon kasing nasa Korea si Anne at nakakita siya ng standee nito sa daan.
kamakailan lang nagkakilala ang dalawa dahil si Anne ang naging host ng isang event ni Bo Gum sa fan meeting sa MOA, at doon sila naging close.

“Soory for my late response! When did you come to Korea? Having a good time here?

“I’m a shooting a movie these days. Though the weather’s too hot, I hope you can full enjoy the time while staying in Korea! Thank you for saying hi to me,” reply ni Bo Gum kay Anne.

Taping nag-start na, leading lady ni Dingdong sa DOTS pahulaan pa rin!

Umandar na ang unang taping ng Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun kahapon.

Naglabas ng tweet pic ang kabilang sa cast na si Paul Salas at kasama niya sa eksena ang bidang si Dingdong Dantes at Rocco Nacino.

Ang ina­abangan na lang sa series ay ang magiging leading lady ni Dong.

Will it be Marian Rivera o Jennylyn Mercado?

 

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with