^

Pang Movies

Iconic loveteam noong mid-80s, pinag-iisipan pa kung susugalan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Actor ang daming demand

Atubili ang isang film producer na sugalan ang reunion movie ng isang iconic loveteam nu’ng mid-80s.

Sari-saring kuwento kasi ang nakakarating sa kanya tungkol sa aktor na maraming demands. Eh pagdating sa aktres, wala namang nakakarating na demands ito kung sakaling matuloy ang proyekto.

Kaya naka-hold muna ang project ng loveteam dahil bukod sa aktor, pinag-aaralan pa ng produ kung kakagatin pa ba ng mano­nood ang loveteam.

Mga horror movie ni Marya, walang tapon!

After Sharon Cuneta sa pelikulang Kuwaresma, si Maricel Soriano naman ang sasabak sa kaparehong genre dahil katatakutan din ang konsepto ng pelikulang The Heiress mula sa Regal.

Ilang horror movies na rin ang pinagbidahan ni Mary at hit itong lahat sa manonood.

Makakasama ng Diamond Star sina Carmina Villaroel at Janella Salvador sa movie na ididirek ni Frasco Mortiz. This time, si MCoy de Leon ang bago niyang lalaki after Jameson Blake na kanyang nakapareha sa So Connected.

Derek kontra na i-regulate ang pagpapalabas ng foreign film

Hindi pabor si Derek Ramsay sa proposal na i-regulate ang pagpapalabas ng foreign film sa bansa. Ang pagpapalabas ng malalaking foreign film ang isa sa itinuturong rason kung bakit matamlay ang resulta ng local movies sa takilya.

Pahayag ni Derek sa interview sa kanya ng gmanetwork.com, “I think we just have to come up with better quality films and the viewers would go out to watch it.”

Paliwanag niya, “Ako kasi proud akong Filipino. If the Americans or international movies can produce movies like that, I think Filipinos can do it was well.”

Diin pa ng hunk actor, “But I want to go up against the competition. Competition is great!”

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with