Gerald naiyak nang makarating sa Vietnam
Gerald naiyak nang makarating sa Vietnam
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - April 3, 2019 - 12:00am

Nagbabalik si Gerald Santos na fresh na fresh mula sa katatapos lang nitong international tour na Miss Saigon sa UK.

Walang pahinga ang nasabing singer dahil meron na agad siyang gagawin, ang Homecoming Concert na gaganapin sa May 4, 2019, 8 p.m. sa The Theater Solaire.

Naging emosyonal naman si Gerald nang makarating siya sa Vietnam lalo na nang pumasok siya sa tunnel kung saan namalagi ang mga sundalong V­ietnamese noong panahon ng giyera. Nag-flashback sa kanya ang charater nito bilang Thuy.

Forever na nagpapasalamat si Gerald sa Miss Saigon at sa role niyang si Thuy, lalo na kay Mr. Cameron Mackintosh na nagtiwala sa kanya upang ma-perfect ang kanyang role. Ito raw ang nagpabago ng kanyang kapalaran sa mundo ng musical stage at singing.

GERALD SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with