^

Pang Movies

Ayaw tantanan ng depression/anxiety JM aminadong nagpapa-doktor pa rin

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pabor si JM de Guzman na pangalanan ang 31 celebrities na nasa narco-list or drug watch list.

“I think, alam naman po ng PDEA that they have to protect the names. Maraming mada-down. Marami rin silang nai-inspire na tao,” sey ni JM nang makausap namin sa mediacon ng Last Fool Show na movie nila ni Arci Muñoz.

“Kung sino man ang mga yun, I believe, masasabi ko lang on my part na you can still turn it around, they can still change,” pahayag ni JM.

Aminado naman siyang talagang napakahirap para sa gobyerno ang labanan ang droga.

“We’ve been fighting drugs hindi pa tayo buhay. Nandito pa rin ‘yan, kahit anong gawin mo, kahit anong giyera na, nandiyan pa rin siya. Umaabot na sa point na sobrang frustrating na, umaabot na sa hindi mo na alam kung paano mo siya pupuksain,” he said.

Nagsisilbi ring inspirasyon si JM sa ibang tao na nalulong sa droga and yet, kinakayang makabangon ulit at ayon sa aktor, ginagawa lang niya ang alam niyang sa tingin niya ay dapat.

“I still have my ups and downs, nade-depress pa rin ako,  ‘yung anxiety ko andyan, pero I still go to my doctor, take my meds, exercise, talk to people, I stay with my family, stay close to them, relate to them, with my peers, ‘yung mga kasama ko sa rehab, I fight, I fight a good fight,” pahayag ng aktor.

Samantala, first time na magkasama nina JM at Arci sa Last Fool Show kung saan ay gumaganap sila bilang ex-lovers.

Showing na sa April 10 ang Last Fool Show mula sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr. under ABS-CBN Films-Star Cinema, N2 and Emba. Kasama rin sa movie sina Jaymee Katanyag, Alora Sasam, Via Antonio, Cholo Barretto, Gina Alajar, Arlene Muhlach, Bibeth Orteza at marami pang iba.

Cong. Rida tinalikuran ang showbiz dahil sa pag-aaral

Dating artista si Cong. Rida Robes ng San Jose del Monte, Bulacan at nakagawa ng ilang movies sa Regal Entertainment noon. Mga late 80’s na raw ‘yun at mga 18 years old daw siya that time. Ang manager pa niya ay ang yumaong si si Anthony Taylor.

Bukod dito ay TV commercial model din siya noon at nagkaroon ng Jolibee commercial.

Pero dahil nag-aaral pa raw siya sa St. Paul’s Manila at maraming bawal, dumating ang time na pinapili na raw siya kung edukasyon o pag-aartista at siyempre, pinili niya ang pag-aaral kaya natigil siya sa pag-aartista.

Ang nakakatuwa, nagkita sila recently ni Mother Lily Monteverde sa isang birthday party at namukhaan siya nito.

“Nung nakita nya ako, sinisipat-sipat niya ako, siyempre, maganda lola mo nang gabi na ‘yun. Sabi niya, ‘parang you’ve been my talent’,” kwento ni Rida nang makausap namin sa campaign rally nila kasama ang asawang si Mayor Arthur Robes.

Parehong reelectionist ang Robes couple para sa kanilang ikalawang termino sa San Jose del Monte, Bulacan. Siya bilang Congresswoman at ang mister naman ay bilang akalde.

Naikuwento ng mag-asawa na malapit nang buksan ang studio ng ABS-CBN called Soundstage sa kanilang lugar. Sobrang ipinagmalalaki nila ito dahil world-class daw talaga ang pagkakagawa.

“Ang ganda ng Soundstage, maipagmamalaki mo. Saka talagang hulmang-hulma sa Amerika,” sabi ni Cong. Rida.

Ibinalita ni Cong Rida na nagsimula na ngang mag-shoot ng mga proyekto ang network doon.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with